"Anyway, kailan ba ang plano ninyong magpapakasal?" tanong ng ama si Oliver. "Ang plano namin ni Jig ay sa Enero,Papa." Napagsang-ayunan nang dalawang angkan ang petsa ng kasal at iyon na ang eksaktong buwan. Pagkatapos nang pag-uusap ay kumain na sila ang lahat ay masaya lalo na ang ikakasal. Pagkatapos ng kanilang tanghalian ay ipinasyal ng mga magulang ni Jig ang kanilang mga bisita. Inikot nila ang pataniman ng mga bulaklak at sobra namang nag-enjoy ang mga ito. Pagkalipas ng dalawang araw ay bumalik ang pamilya ni Oliver sa Baguio. Dahil may iniwan ang mga itong negosyo. Kasama si Jig sa paghatid sa pamilya ni Oliver sa Paliparan. Nang makapasok na ang mga ito ay agad din silang umuwi sa apartment ni Oliver. Dahil tapos na ang pamanhikan ay pinayagan na silang dalawa na magsama

