Chapter 1

1414 Words
"Nabalitaan mo na ba?" "Alin?" Hindi ako nag-abalang tapunan ng tingin si Kate. Abala kasi ako sa pagre-review sa International Cuisine. May quiz kami mamaya kay Mrs. Nazareno dahil palaging surprise quiz ang trip noon. Hindi pa naman ako nakapag-aral kagabi dahil sa pagod ko sa trabaho. "Bukas raw ay pupunta ang mga taga ABEV Royal Hotel dito. Naic State University ang napili nilang school, bes. Doon ako napaangat nang tingin at nanlalaki ang mga mata siyang tiningnan. Sabay kaming nagpakawala ng tili. "Totoo ba 'yan, bes? Oh my God! Tayo na mismo ang nilapitan ng dream job natin. Pagbubutihin ko talaga kapag nakapasok tayo roon," kinikilig kong sambit. ABEV Royal Hotel was one of the most prestigious hotels in Asia. Ang main branch nila ay nandito sa Pilipinas sa gitna ng Makati. Bilang HRM graduating student ay napakalaking oportunidad niyon dahil world class talaga iyong training program nila. Taon-taon ay iba't-ibang universities ang pinipili nila para bigyan ng chance ang mga gaya kong graduating HRM student na makapag-on the job training. Malaki rin ang chance na ma-absorb ako ng company kung magugustuhan nila ako. Instant trabaho iyon kapag nagkataon. Pwede nang tumigil sa pagsasaka si Tatay! Iyon din ang hotel sa Pilipinas na may magandang benepisyo. Bukod sa basic salary ay entitled din ang empleyado sa service charge at kung mareregular ay may pa-healthcard pa. Malaking tulong iyon kay Tatay kapag nagkataon. Masaya akong gumising kinabukasan at sinuot ang pinakamagandang damit na nabili ko sa ukay-ukay. It was a denim blue long sleeve polo and a black skirt. Excited talaga akong masuot ito dahil pakiramdam ko ay propesyonal ako kapag naka-formal attire ako. "Mukhang maganda gising ng unica ija ko, ah," nakangiting puna ni Tatay. Umikot ako nang dahan-dahan upang mapagmasdan niyang mabuti ang suot na damit. "Aba mukhang manager na ng hotel," maligayang puri niya. Napahagikhik ako sa kanyang tinuran. "Tatay, ngayon na iyong interview ko para makapasok sa ABEV Royal. Sana makapasa po ako." Nilagyan ni Tatay ng itlog at sinangag ang aking pinggan. Iyon 'yong tutong na tira kagabi. Napangiti ako nang tanggalin niya ang bawang, ayaw ko kasi ng bawang. "Makakapasa ka niyan, anak. Ikaw pa ba, eh, mana ka kay Tatay." Hindi talaga ako bigo pagdating sa pagpapalakas ng loob ang Tatay ko. "Naku, sana nga po, 'Tay. Para po makatigil na kayo sa pagsasaka." "Kaya ko pa naman, eh. Ikaw talaga. Ay, hala sige kain na at sabay na tayo. Ihahatid kita gamit ang trailer." Alam kong umiiwas siya sa usapan dahil sa tuwing nababanggit ko ang pagtigil niyang magsaka ay alam niyang nalulungkot ako. Matanda na siya at madalas na ring iniinda ang masakit na balakang. Gusto ko naman na kahit paano ay makaranas siya ng magandang buhay. Mula nang mamatay si Nanay dahil sa cancer ay siya na ang umako ng lahat. Mula pagkain, pambaon araw-araw, tuition at pambayad ng bills. Noon kasing nabubuhay si Nanay ay maalwan kahit paano ang buhay namin dahil isa siyang guro. Hindi naman nakatapos si tatay at pagsasaka lang ang tanging alam niyang hanapbuhay. Kaya pinangako ko sa kanya na magtatapos ako at ako naman ang maghahanapbuhay para sa aming dalawa. Dahil excited ay isa ako sa mga nauna sa function hall kung saan gaganapin ang hiring process. Kate was already there waiting for me. Nakasuot siya ng short sleeve green polo at high waist skirt. Nakataas ang natural na kulay tsokolate niyang kulot na buhok. "Ang ganda natin, Bes, ah," puri ko sa kanya pagkaupo sa kanyang tabi. She scanned me from head to foot at taas kilay akong tiningnan. "'Wag mo na akong bolahin. Tanggap ko nang mas maganda sa akin." Nag-start ang first step ng hiring process pasado alas diyes na. Hinintay pa kasi nila iyong human resource person ng ABEV Royal. Ang unang step ay evaluation ng classcards. I confidently took my classcards and gave it to the HR personel. Dapat kasi ay pasok sa passing grade ang grades lalo na sa mga major subjects. Wala naman akong problema roon dahil consistent naman na matataas iyon. "Miss Keira, kulang ka ng isang subject," sabi noong HR. Bigla akong kinabahan. Maingat ko iyong kinuha sa kanya at nang makitang kulang nga ako ng isa ay bigla akong nanlumo. Nawala sa isip ko na may isang major subject akong pre-requisite ng ojt ang hindi ko nakuha last sem dahil sa kakulangan ng pang-tuition. Kailangan kong mag-drop ng isang subject para hindi sagabal sa schedule ko. Hindi na ako nakipagdiskusyon pa dahil iyon naman talaga ang rules. Hindi ka makakapag-ojt kapag hindi mo pasado iyong pre-requisite noon. Ni-text ko na lang si Kate na mauuna na akong umuwi dahil first step pa lang ay ligwak na ako. Mukhang malabo nang makapasok ako sa ABEV Royal Hotel. Sila mismo kasi ang namimili ng university yearly na pagkukunan ng ojt. At kapag nagustuhan ka nila ay i-a-absorb ka nila para maging regular employee nila. Lalong nadagdagan ang frustration ko nang biglang umulan. Para akong basang sisiw na naglalakad sa may Nia Road pauwi sa amin. Sabay-sabay na nag-ingay ang mga palaka habang nakatuon ang paningin kay Tatay na nasa bandang malayo at nagsusuyod ng pilapil. Hindi na napigilan ng makulit kong mga luha ang umagos sa magkabilang pisngi. Alam ko namang marami pang oportunidad diyan pero nanghihinayang ako sa oras. Ngayon ko lang napagtanto na mahuhuli pala ako maka-graduate. Dalawang buwan pang magtitiis si Tatay. Pwede naman akong maging octoberian pero ayoko niyon. Gusto ko makatapos sa oras kasabay ni Kate at ng mga kaklase ko. Sinabayan nang malakas na ulan ang aking pagtangis. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. At nang magawa iyon ay napagpasyahan kong manghuli ng palakang bukid para may maiulam kami mamaya. Mangunguhol na rin ako para magataan. Gagawin kong pampalubag na loob ang masarap na ulam mamaya. Hinubad ko ang aking polo. May itim na razor back sando naman ako sa loob kaya ayos lang. Tinaas ko rin hanggang hita ang suot na slacks at hinubad ang sapatos. Akmang lulusong ako sa pilapil nang may biglang bumusina sa aking likuran. Nagulat ako kaya naman nawalan ako ng balanse at unang bumagsak ang mukha sa putikan. Lord, bakit naman napakalupit niyo naman sa akin ngayong araw na ito? Gusto ko lang naman mag-ulam ng palaka at maggata ng kuhol! Dalawang malaking palaking bukid ang nakapa ko kaya hindi kona pinalagpas at dinakma na iyon kahit na ang mukha ay nasa putik pa. Dahan-dahan akong tumayo at pinunasan ang mukha gamit ang braso. Nang medyo nagliwanag ang paningin ay may nakita akong lalaking nakatayo sa may kalsada. He was holding my plastic envelope with my resume on it. "Hoy, Mister! Dahan-dahan naman sa pagbusina. Pasalamat ka goal ko talaga ngayon manghuli ng palaka!" pasigaw kong sabi sa kanya. Medyo lumapit ako kung saan siya nakatayo and, oh, my gulay wow ang gwapo ni Mister Busina. Pero nangudngod pa rin ako sa putikan nang dahil sa kanya. "Why the hell are you catching frogs?" nakangiwi niyang tanong, tila ba diring-diri. “Mas masarap ito kesa sa manok ano, lalo na kapag adobo paiga," nagmamalaking wika ko. "Teka nga, bakit mo ba hawak iyang folder ko? Baba mo nga 'yan." He just smirked at me. "Okay." Binaba niya iyong envelope ko at pinatong sa bag ko. Nagpatuloy ako sa pangunguha ng palaka at isa-isa iyon sinabit sa alambreng nakuha ko sa kubo malapit. Nang bumalik malapit sa kung nasaan ang gamit ko ay naroon pa rin siya, nakapayong habang nakatingin sa akin. May bitbit na siyang galon ng tubig. Doon ko lang siyang natitigan nang mabuti dahil nalimas na ng ulan ang putik sa mukha. He has this intimadating aura. Matangkad siya, probably around 5'11 to 6'. Bagay na bagay ang natural na mahahaba niyang pilikmata sa malamlam niyang mga mata. It looks sleepy but fierce. His nose were upturned and his bushy eye brows were so manly. Biglang natapos ang paghanga ko sa kanyang mukha nang may bumuhos na tubig sa aking mukha. "Sandali...nalulunod ako! Dahan-dahan...Hmmpp." Maiiyak na sana ako dahil binigyan niya ako ng tubig para malinis ang putikang mukha pero grabe naman sa lakas kasi nang pagbuhos. Wala man lang warning! Umubo-ubo ako nang maibuhos nang lahat ang tubig sa hawak niyang galon. "Grabe naman. Wala man lang pasabi. Makabuhos wagas," reklamo ko. He was still in his resting mean face. "You're welcome," walang buhay niyang wika bago siya bumalik sa kanyang kotse at paandarin paalis iyon. Ako na ngang nilunod, nasungitan pa. Iba!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD