Chapter 1: Prince Charming

1114 Words
“Mahal kita,” sabi ng lalaking nasa harap ko na may magandang ngiti at medyo matangos ang ilong. Napaluha ako sa sobrang galak. Hindi ko pa nararanasan ang ma-inlove pero ngayon mayroon na umiibig sakin. Lumapit siya at hinawakan ang buhok ko. Nagkatitigan kami habang palapit ng palapit ang kanyang mukha. Ramdam ko ang kakaibang galaw ng mga bituka ko sa tiyan. Ito ba ang sinasabi nilang butterflies in the stomach? Pumikit ako at inabangan ang pagdampi ng kanyang labi. Ramdam ko ang haplos niya sa aking baba. Lumunok ako at…. “Ysay, bangon na malalate ka na sa trabaho mo!!” Napabalikwas ako ng tayo sa lakas ng sigaw ni Tiya Annette. Napakamot ako sa aking ulo. Panaginip na naman. Kailan ko ba makikita ang prince charming ko? Tumayo ako at inayos ang aking higaan. Tumingin ako sa salamin. Payat lang ako at maliit pero may ganda pa rin sabi ng magulang ko. Napaluha ako. Ang mga magulang ko ay namatay sa murang edad ko pa lamang. Magkakasama kami noon pagkatapos ng graduation ko sa elementary nang mabunggo ang sasakyan namin sa isang malaking puno. Sa kasawiang palad ako lang ang nakaligtas at sa isang iglap naging ulila na ako buti na lang andyan ang tiya Annette ko at napatapos niya ako ng high school. “Aba’t! Ano pang ginagawa mo diyan?! Kilos na!” mabilis niya akong hinila at tinulak sa banyo. Binuksan ko ang gripo at nilabanan ang lamig dapat magtagal ako sa trabaho na ito. Nakailang lipat na ko sa trabaho dahil sa kapalpakan ko. Una, nagtrabaho ako sa isang grocery kaso isang buwan pa lang natanggal na ko dahil sa maling mga presyo na ilagay ko sa mga dilata. Ang resulta tuloy nalugi ng ilang libo ang may-ari buti na lang sinisante lang ako at hindi na pinagbayad. Sa pangalawang trabaho ko naman sales lady sa may isang mall malapit sa amin ngunit natanggal din ako dahil nilabanan ko ang isang customer. Hinawakan ba naman ang pwet ko pero hindi ako pinakinggan ng management at pinipilit ng lalaking manyak na natamaan lang niya ako sa bag niya. Hindi daw siya magkakainteres sa tulad ko. Maliit na nga ang hinaharap at payat pa. Hindi ako nakapagpigil at sinipa ang pinaka-iingatan niya. Sa pangatlo naman isang cashier sa fast food restaurant, pero dahil lagi akong palpak mali ang sukli na ibinigay ko sa customer. Nalagot ako dahil anak pala ng may-ari iyon at sakto nag-oobserve sila ng mga employee. Napabuntong hininga ako. Nakakahiya na sa tiya ko. Hindi na nga ako nagtatagal sa trabaho ko pabigat pa ko sa kanya. Nilayasan pa siya ng kanyang asawa si Tiyo Lino dahil nagtalo sila. Hindi pa raw ako paalis dahil dagdag lang sa palamunin niya. Hindi pumayag si Tiya kaya ito nawalan tuloy siya ng prince charming. Pareho na kami sawi. Nagmadali akong maligo ng marinig ko ang mga yabag na paakyat muli sa hagdan. Mapapagalitan na naman ako nito. Sinabay ko na ang pag-shampoo at pagsabon. Pagdating niya sa maliit kong silid nakabihis na ko. “Ready na ako, Tiya.” Kinuha ko ang lumang kong bag at nagpaalam na sa kanya. Nagmadaling akong bumaba sa hagdan at natapilok pa ko. “Ysay, umayos ka nga! Siguraduhin mong aayusin mo ang trabaho sa rince restaurant kung hindi sabay tayong mawawalan ng trabaho!” sigaw niya. Yumuko ako at alanganin ngumiti. Ano pa ba ang dapat kong isagot? Huminga ako ng malalim at pumikit. Dapat akong magtagal sa trabahong ito. Lumabas na ko at dumaan sa maliit na kalye namin. Ang bawat tao kanya kanyang ang gawain. May naglalaba sa labas habang ang iba naman sugal at alak agad ang inatupag. Umiling na lang ako at paglabas ko sa kanto maiingay na mga sasakyan na ang naririnig ko. Nagmadali na akong nang biglang tumunog ang sirena. Hudyat na alas syete na ng umaga. Magbubukas ang restaurant ng 8 ng umaga dahil maraming kumakain ng almusal dito. Lalo na kaharap ang malaking building na pagmamay-ari ng mga Jones. Palipat na ako sa daan ng biglang may mabilis na puting sasakyan ang sumulpot sa kalsada. Napasigaw ako at napaupo. Huminto ito at binuksan ang bintana. “Miss, matuto kang sumunod sa kalakaran!” singhal nito. Pinulot ko ang bag ko at handa nang sumigaw sa lalaki pero pagharap ko napahinto ako. Ang tangos ng kanyang ilong at kahit malaki ang kanyang mga mata bumagay naman sa kanyang morenong kulay. Umiling ito at ngumisi. “Laway mo!” sigaw niya at humarorot paalis. Nagbusina ng malakas ang parating na sasakyan. Nagmadali akong lumipat sa daan at pumasok sa restaurant. Hindi ko pa rin makalimutan ang itsura ng lalaki. Mukha pang mayaman dahil sa minamanehong SUV. “Yssa Melendez!” Humarap ako sa lalaking may edad na pero gwapo pa rin at may hawak na papel. Kumunot ang noo niya. “Ang pangit mo! Dapat matuto kang mag-ayos!” Napasimangot ako. Mas babae pa pala sakin ang manager dito. “Sumunod ka sakin!” sigaw niya. Sumunod ako at nagulat ng binuksan niya ang employee only na silid. Puno ito na mga iba-ibang costume, make-up at mga damit. “Kailangan presentable kang humarap sa mga customer!” Naalala ko na naman ang lalaki kanina. Kahit suplado hindi ko pa rin malimot ang mukha niya. “Tama!” napalakas kong sabi. Yumuko ako at nagkamot ng ulo. “Huwag na huwag mong gagawin ang ganyan sa harap ng mga customer!” sigaw na naman niya. “Ho?” Umiling siya at pinaupo ako sa harap ng mahabang salamin. “Una, dpat umasta kang babae. Wala akong pakialam kong saan kang bangkenteng natutulog.” “May maliit na bahay naman po kami ni Tiya—” “Alam ko! Pero dapat matutong kang mag-ayos. Maliit na nga ang iyong–” Pinag-cross ko ang mga kamay ko sa dibdib ko. Lagi na lang ito ang nakikita nila. “Ang iyong biyas! Gaga! Anong iniisip mo? Ikaw babae ka dapat maging maganda ka palagi malay mo makikita mo ang prince charming mo rito. Iaahon ka pa sa kahirapan ng buhay.” Tumingin ako sa salamin. Kahit payat ako maganda naman ako sabi ng magulang ko pero tama siya kailangan kong matutong magpaganda baka makita kong muli ang prince charming ko. Tinuruan ako ni Mamu Riza sa pag-aayos para sa susunod ako na lang daw ang gumawa pati mga tips kung paano dalhin ang mga order na mga customer sa mesa tinuruan ako. Mukha na-ikwento na ng tiya ko ang mga kapalpakan ko sa mga iba kong trabaho. Magsisikap ako para maging responsable na ako at hindi na muling palpak pa. Kailan ko kaya muli makikita ang prince charming ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD