Aimee Tama nga ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang kapatid na si Evan. Na hindi lang siya ang nililigawan ni Hunter. Ayon pa sa kaniyang mga kaibigan, nakita nila ang lalaki na may kasamang ibang babae sa mall at sobrang sweet daw ng dalawa dahil magka-holding hands pa ang mga ito. Noong una ay may duda pa siya kung si Hunter nga ba talaga ang nakita ng kaniyang mga kaibigan dahil naniniwala siyang hindi ganoon ang pagkakakilala niya kay Hunter. Taliwas sa sinasabi nila ang Hunter na kilala niya. Ngunit kahapon lamang ay nakita niya ang binata na may babaeng kaakbay. Isang matangkad at sexy ang kaakbay nito. Nakasuot ng sexy outfit ang babae. Sobrang sweet pa nga ang mga ito habang naglalakad sa kalsada. Nagkataon na nakasakay siya noon sa jeep nang makita niya ang dalawang iyon. Kilal

