Aimee Dahil third-year high school na siya. Mas nadagdagan ang mga responsibilidad niya sa eskuwelahan dahil kasali siya sa iba't-ibang school clubs. Nalalapit na rin ang kanilang Junior-Senior prom. Excited na ang kaniyang mga kaklase at mga kaibigan sa nalalapit na JS prom. "Em, may susuotin ka na sa JS prom?" tanong sa kaniya ni Jenna habang naglalakad sila papuntang canteen. "Ahmm...Wala pa, eh. Siguro mag-aarkila na lang ako ng gown kesa magpatahi pa ako. Mas magastos kasi." "Ah, gano'n ba. Mas okay nga 'yon. Panigurado maraming third-year saka fourth-year ang pipila para maisayaw ka," kantiyaw ni Jenna. Natawa naman siya sa sinabi nito. "Seryoso. Simula nang malaman sa buong school na single ka na, dumami lalo ang admirer mo." "Ewan ko sa 'yo," aniya at umirap sa kaibigan. Na

