"How long do you plan to stay at your f*cking friend's house?" pambungad na tanong ni Bradley kay Aimee.
Halata sa tinig nito na bad mood na naman ang kaniyang boyfriend. Alas diyes na ng umaga. Lunes ngayon pero dahil wala naman siyang klase sa school ay nagpaumaga na siya sa bahay ng kaniyang kaibigan.
Tinawagan siya ni Bradley matapos niyang sabihin na hindi siya umuwi sa bahay nila. Nakapagpaalam naman siya sakaniyang mga magulang. Ang problema nga lang ay late niya ng nasabihan ang kaniyang boyfriend na nag-sleep over siya sa bestfriend niyang si Sara. Kaya naman galit na galit ito dahil matapos ang reunion ay hindi pa siya umuuwi ng bahay hanggang ngayon.
"Munchkin, ba't ba ang init ng ulo mo? Ang aga-aga galit kana agad," paglalambing niya rito.
Munchkin ang tawag niya rito dahil mahilig ito sa donut.
"Dahil pinag-aalala mo 'ko. Kagabi pa kita sinusubukang tawagan. Dahil ni hindi ka man lang nag-re-reply sa mga text ko. Sino bang hindi magagalit kapag ganyan ka-iresponsable ang girlfriend nila?" Na-guilty naman siya sa sinabi ng kaniyang boyfriend.
"Damn. I'm worried sick about you, Aimee. But you didn't care at all," singhal nito sa kaniya.
Ang totoo kasi niyan ay lasing na lasing siya kagabi. Matapos kasi ng reunion nila ay nagkayayaan silang mag-inuman ng mga kaibigan niya.
"Sorry na, Munchkin. Babawi ako sa--" hindi niya na naituloy ang iba pa niya sanang sasabihin dahil binabaan siya nito ng telepono.
Bumagsak ang kaniyang balikat.
"O, ano nanamang sinabi sa'yo ng jowa mo?" tanong ni Nathan.
Isa si Nathan sa mga best friend niya noong high school. May pagkasilahis ito at may jowa ring kapwa nito silahis din.
"Ayun, galit na naman," matamlay niyang tugon.
"Grabe naman 'yang boyfriend mo. Dinaig pa mga magulang mo kung paghigpitan ka. Parehas na parehas talaga sila ni Ryle," sambit ng kaniyang kaibigan na si Kelsey.
Isa rin si Kelsey sa mga napalapit kay Aimee dahil parehas silang cheerleader noong high school.
"Speaking of Ryle, mukhang patay na patay parin sa'yo ang lalaking 'yon," tukso naman ni Nathan sakaniya.
Napairap siya rito.
"Bakit? Totoo naman, ah. Halos matunaw kana nga dahil titig na titig siya sa'yo kahapon."
"Oo nga," sang-ayon naman ng isa pa niyang kaibigan na si Lauren sa sinabi ni Nathan.
Ewan ko sainyo.
Asar parin siya sa lalaking iyon dahil kahit anong pilit niya rito kahapon na ibaba siya sa pagkakabuhat nito, ay parang wala itong naririnig. Kaya naman agaw-eksena tuloy sila kahapon. Naging usap-usapan sila ng mga tao roon. Pati ang mga kaibigan niya tuloy ay tinutukso sila.
"In fairness, ha. Mas lalong gumwapo ngayon si Ryle," singit naman ni Sara sakanilang usapan.
"Gwapo naman talaga si Ryle, eh. Kahawig niya nga si Tom Holland saka yung lead vocalist ng The Vamps," kinikilig na tugon naman ni Nathan.
Napairap siya sa sinabi ng kaniyang kaibigan.
"Ay ewan. Wala akong pake sa kaniya. Kahit sino pa'ng artista ang kamukha niya. Wala parin akong pake!" mataray niyang tugon sa mga ito.
Hindi niya maamin sakaniyang mga kaibigan ang totoo niyang nararamdaman para kay Ryle. May puwang parin kasi si Ryle sakaniyang puso. Ngunit alam niyang kumplikado na ang lahat sakanila. Mayroon na siyang boyfriend. Si Ryle naman ay may girlfriend na rin. Kaya malabong magkabalikan pa silang muli.
At isa pa, mahal niya si Bradley. Kahit pa mainitin ang ulo nito. Mabait naman ito sakaniya. Never pa siyang nasaktan nito. Dahil loyal si Bradley sa kaniya. Hindi tulad ni Ryle. Boto rin ang kaniyang mga magulang dito. Hindi katulad noong magkasintahan pa sila ni Ryle. Kulang nalang ay ipagtabuyan si Ryle ng kaniyang mga magulang sa pamamahay nila.
Nagpaalam na siya sa kaniyang mga kaibigan para umuwi na sa kanilang bahay.
"Bye, Em. Mag-iingat ka." Nagpaiwan sa bahay nina Sara ang iba pa niyang mga kaibigan kaya wala siyang kasabay pauwi.
"Bye, gurls. Chat-chat nalang, ha?"
Nang makarating siya sa kanilang bahay ay sinalubong agad siya ng alaga niyang aso. Wala ang kaniyang mga magulang dahil may mga trabaho ang mga ito.
Ang kaniyang mommy ay isang guro sa isang public elementary school malapit sa kanilang lugar. Samantalang ang kaniyang daddy naman ay may maliit na negosyo dito sa Maynila. At ang kaniyang nakababatang kapatid naman na si Evan, ay may pasok ngayon sa eskuwelahan. Nag-aaral pa lamang ito sa high school.
"Hello, sweetie pie. Na-miss mo ba 'ko?" tanong niya sakaniyang alagang corgy.
Tumahol naman ito sakaniya na para bang naiintindihan ang kaniyang sinabi.
"Ang cute talaga ng sweetie pie na 'yan."
Naputol naman ang pakikipag-kulitan niya sa kaniyang alagang aso ng marinig niya na nag-ri-ring ang kaniyang cellphone sa loob ng kaniyang bag. Agad niya naman itong sinagot dahil tumatawag ulit ang kaniyang boyfriend.
"Susunduin kita dyan," ma-awtoridad na wika nito sakabilang linya.
"Ha? Nakauwi na ko, Munchkin. Nandito na 'ko sa bahay," tugon niya.
"Okay. But let's meet today. We will go somewhere."
"Saan naman?" naguguluhang tanong niya rito.
"Basta susunduin kita. Wala ng maraming tanong," iritadong tugon nito sakaniyang tanong.
"Okay, Munchkin. Sandali lang, ha. Maliligo lang ako. Mabilis lang 'to."
"Okay. Wear your best dress." Dagdag pa nito.
Bigla ay na-excite siya. Mukhang may date sila ngayon ng boyfriend niya. Malapit na kasi ang kanilang monthsary. Kaso may pasok sila sa araw na iyon kaya baka ngayon nila ito i-ce-celebrate.
"Okay. I love you," nakangiting tugon niya.
"I love you too," tugon naman nito sa sinabi niya.
Siguro ay ipapasyal siya nito sa cruise ship na pag-aari ng kanilang pamilya. Mayaman kasi ang kaniyang boyfriend. Negosyante ang mga magulang nito. Kaya naman lumaki siyang na-spoiled sa lahat ng bagay. Parang yung ex niya. Bakit nga ba pumasok nanaman sa kaniyang utak ang tukmol na 'yon. Nababaliw na talaga siya.
Nang makaligo siya ay mabilis na siyang nag-ayos ng kaniyang sarili. Naglagay din siya ng light make-up sa kaniyang mukha para maging magandang-maganda siya sa paningin ng kaniyang boyfriend.
Isinuot niya narin ang mamahaling sexy dress na regalo sa kaniya nito. Mahilig kasi itong magregalo sa kaniya kahit na walang okasyon. Ganoon rin ito sa kaniyang mga magulang. Kapag bibisita ito sa kanilang bahay ay nakakatanggap ang kaniyang mga magulang ng kung ano-anong mga mamahaling regalo mula rito. Mahilig kasi itong magpa-impress sa kaniyang mga magulang.
Isa pa, siya raw kasi ang first girlfriend nito kaya gagawin niya ang lahat magustuhan lang ito ng mga magulang niya. Mahilig din itong bigyan siya ng sexy na damit. Pero pinagbabawalan siya nitong magsuot ng mga damit na sexy kapag hindi niya ito kasama.