Ryle "Let's cool off. Sa tingin ko eto 'yung nararapat na gawin. Hindi na maganda 'yung palagi na lang tayong nag-aaway dahil lang sa mga mabababaw na dahilan," seryosong wika niya habang kausap ang kaniyang kasintahan. Hindi man ito madaling desisyon para sa kaniya, ngunit sa tingin niya ay ito ang nararapat na gawin. Si Leila ang pinakamatagal niyang naging girlfriend. Mahigit isang taon na ang kanilang relasyon. Ideal girlfriend naman si Leila para sa kaniya. Pero may mga pagkakataon kasi na hindi sila magkaintidihan nito. Lagi na lang itong nagseselos at na-i-insecure sa ibang babae. Kung sino-sino na lang ang pinagseselosan nito. Hindi na healthy ang kanilang relasyon. In fact, it became toxic day by day. Narinig niyang mahinang humihikbi ang kaniyang kasintahan sa kabilang linya.

