Ryle "Antok ka na, Maddie?" tanong niya sa kaniyang kapatid habang nakasakay sila sa jeep pauwi. Hinahaplos-haplos niya ang mamula-mulang pisngi ng kaniyang kapatid. Humihikab-hikab na si Maddie at malapit ng bumagsak ang mga mata nito. Ihinilig niya ang ulo ni Maddie sa kaniyang balikat habang nakakandong ito sa kaniya. Tumango ang kaniyang kapatid. "Bayad po," aniya. Inabot naman 'yung bayad niya sa pamasahe ng katabi niyang pasahero. "Ilan 'to?" tanong ng driver. "Dalawa po. Estudyante," sagot niya. Tuluyan ng iginupo ng pagod at antok si Maddie. Kaya naman ng makarating sila sa subdivision nila ay kinarga niya na lang ang kapatid. "Ginabi na kayo, 'nak," ani ng kaniyang Mommy. Inihiga niya sa kwarto si Maddie. "Nawiling mag-gala si Maddie, Mommy. Kaya ayan nakatulog na," aniy

