Kahit na nagtataka ay nagpatuloy lang ako sa pag-uwi. Inaasahan kong madaaanan ko ang kung anumang pinagkakaguluhan ng mga tao pero nagualt ako nang makarating ako sa harap ng apartment ay doon nakapwesto ang mga nagkukumpulang mga tao.
Hindi ko alam kung anong nangyayari pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad papasok sa loob. Narinig ko ang ibang sinabihan akong huwag tumuloy pero hindi ko 'yon pinansin. Kung ano man ang meron dito, wala akong pakialam.
Pagkapasok ko sa elevator ay may nadatnan akong sakay no'n na isang lalaki. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagpasok. Tahimik lang kami pareho pero nararamdaman ko na panay ang sulyap niya sa akin.
"Do we have a problem?" mataray na tanong ko sa kaniya. Pinagtaasan ko pa siya nang kilay pero nag-iwas lang siya ng tingin sa akin at hindi sumagot. Pagkarating sa 4th floor, lalabas na sana ako nang bigla niya nalang akong hatakin pabalik sa loob dahil kung bakit ko nabitiwan 'yong pagkaing binili ko.
"Ano ba?!" singhal ko kahit na alam kong hindi niya 'yon maiitindihan. "Mierda!" mura ko at sinusubukang kumala sa braso niyang nakapulupot sa leeg ko. Agad niyang pinindot ang close button ng elevator pero bago pa man 'yon sumura ay may pumasok na isa pang lalaki at walang pasabing sinuntok 'yong lalaking may hawak sa akin.
Hinihingal tuloy akong lumabas ng elevator habang nakahawak sa leeg ko. Mabilis ding lumabas 'yong lalaki at walang pasabing hinawakan ang kamay ko at hinila ako patakbo.
"Teka!" sigaw ko dahil nauubusan na ako ng hininga. For Pete's sake we f*****g took the stairs! At mukhang sa rooftop pa ang punta namin dahil iyon na ang susunod na palapag sa hagdanang tinatahak namin.
Dali-dali niyang binuksan ang pinto papuntang rooftop at buong lakas na sinarado 'yon bago tuluyang binitiwan ang kamay ko. Napaupo tuloy ako sa sahig habang pilit hinahabol ang hininga ko.
"Are you stupid?" biglang tanong niya sa akin. Handa na sana akong sigawan siya dahil sa tanong niya nang makita ko kung sino 'yon. It was him! Mukhang hindi naman siya nagulat na makita ako o baka dahil hindi niya lang ako maalala.
"Excuse me? Stupid?" tanong ko sa kaniya. Gulat pa rin dahil nasa harapan ko siya ngayon.
"Yes! You know something is wrong because a lot of people gather in front of your apartment but you still enter! Don't you think that might be dangerous?!" sigaw niya, katulad ko ay hinahabol niya ang kaniyang hininga.
"Eh, malay ko ba? At wala naman akong pakialam!" sigaw ko pabalik.
"Walang pakialam? You almost became a hostage! Kita mong may hawak na baril, bulag ka ba?!" ganti niya nanaman. Doon ko na tuluyang nakumpirma na Pilipino talaga siya. Dapat pala nagtanong nalang ako kay Nixson!
"At paano ka muna napadpad sa apartment ko? Napakalayo ng beach dito at ng Calara Empire para mapadpad ka sa lugar na ganito!" Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya at hindi nakawala sa tingin ko ang maliit na sa kutsilyong dala niya. "At bakit may ganiyan ka?!" pasigaw pa rin na tanong ko.
Magsasalita na sana ulit siya nang may marinig kaming sumusubok na buksan ang pintuan ng rooftop. Nandito lang ang mga mata ko at bago pa man makapag-react ay hinila niya na ako patungo sa pinakagilig ng rooftop.
"Dito ka lang, kapag sumigaw akong umalis ka na, tumakbo ka na kaagad paalis. Naiintindihan mo ba?!" tanong niya. Tumango lang ako at pilit pa rin siniksik ang sarili ko. Nakarinig ako ng malakas na pagbagsak at sigurado akong 'yong pintuan 'yon.
"Ayaw niyo talaga akong tantanan!" dinig kong sigaw niya. Nakita kong may lumipat na piraso ng kahoy kaya napatakip ako sa bibig dahil sa gulat. Ano bang nangyayari?!
"Umalis ka na!"
Nang marinig ko ang sigaw na 'yon ay dali-dali na akong tumayo at tatakbo na sana nang mapatingin ako sa gawi nila. Nakikipagpalitan siya ng suntok doon sa lalaki.
"Sabi ko umalis ka na! Anong tinutunganga mo diyan?!" sigaw niya dahilan kung bakit napatingin sa akin 'yong lalaki. Dali-dali itong bumangon para lapitan ako kaya naman unti-unti na rin akong humakbang paatras. Makakalapit na sana siya sa akin nang bigla siyang hilain noong lalaki at sinubukan siyang saksakin gamit ang kutsilyong hawak niya.
Napahawak ako sa ulo ko nang may bigla nanaman akong nakitang kung anuman. It was the same scene but different location. Ibang lalaki ang nasa harapan ko at ibang kutsilyo ang hawak nila. It was like a katana and I got stabbed with that!
Pinilit ko pang alalahanin ang tungkol sa pangyayaring pumasok sa isip ko kaya naman mas lalong sumakit ang ulo at unti-unti na akong napaupo.
Sinikap kong tumayo nang bigla nalang may humila sa akin at dinala ako sa kung saan. "Ano ba?!" sigaw ko bago binawi ang kamay ko. Nanlaki ako ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko. "Deity!" sigaw ko. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay.
"I told you to not involve someone here. Don't come near that guy."
"I know! But you know what happened? Naulit 'yong nangyari noong unang beses ko siyang nakita. There's a glimpse of memory came at sigurado akong dahil 'yon sa kaniya. I know he's somehow connect from my past!"
"At anong gagawin mo? Hihingi ka ng tulong sa kaniya? At sa tingin mo maniniwala siya sa 'yo? Iisipin niyang baliw ka, Marguerite. At hindi mo kilala ang taong tinutukoy mong parte ng nakaraan mo," sabi niya gamit tono na madalas niyang ginagamit tuwing pinagsasabihan niya ako.
"Gagawan ko ng paraan. Hihingin ko ang tulong niya," desididong sabi ko.
Sa mga sumunod na araw ay nagpatuloy ako sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa kaniya hanggang sa dumating na ang araw ng pag-uwi namin sa Pilipinas. Akala ko normal seat lang ang kinuha ni Anika ngunit nagulat ako nang malaman na business class seat ang kinuha niya.
Nanatili akong tahimik at hindi nagtanong sa kaniya. Ayokong isipin na ang asawa ng boss niya ang lahat ng gumastos dito.
Halos 17 hours din ang biyahe namin kaya inubos ko ang oras ko sa pag-iisip. Tulog lang si Anika buong biyahe at ginigising ko lang para kumain. Aksidente ko ring nakita nag phone niya at nakita na ang lockscreen niya picture nilang dalawa noong asawa ng boss niya. Ayokong pag-isipan ng masama ni Anika dahil kahit papaano ay kaibigan ko na siya ngunit sana naman ay alam niya na mali ang ginagawa niya.
Pagkalapag ng eroplano ay matagal pa bago kami tuluyang nakalabas dahil nagkaproblema pa sa bagahe ni Anika. Panay na rin ang tawag ni Nix sa phone ko.
"Ae!" malakas na sigaw niya. Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay tumakbo na siya palapit sa akin. "Na-miss kita!" sigaw niya pagkatapos akong bigyan ng mahigpit na yakap.
"Ito pala si papi Nixson! Pogi ha!" walang-hiyang sabi ni Anika. Inis ko tuloy na tinapik ang kamay ni Nix na nakahawak sa bewang ko at sinabing tulungan si Anika sa pagsakay ng mga gamit sa taxi na nirentahan ng magulang niya para sa kaniya.
"Text text nalang tayo, ha? Kita tayo sa susunod na linggo. Tatawagan kita. Bye, Marge!" paalam niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya bago kumaway.
"Halika na, mahal ko," asar niya sa akin bago ako inakbayan at siya na ang nagdala ng luggage ko.
"Wala kang trabaho?" tanong ko sa kaniya habang sinasakay ang mga gamit ko sa loob ng kotse niya. Mayaman din ang pamilya ni Nixson kaya hindi na rin ako nagulat nang matanggap siya sa Calara Empire lalo na at sa isang sikat na University siya grumaduate with Latin honors.
"Nag-overtime ako kagabi para makapag-absent ngayon. Wala ba akong pasalubong?" tanong niya sa akin. Nakatayo na kami siya ngayon sa harapan ko so I just opened my arms so he can hug me. Natatawa naman siyang lumapit sa akin para yakapin ako ulit. "Kung ganito pasalubong lang naman makukuha ko kahit araw-araw pa kitang sunduin," natatawang sabi niya.
Dumeretso kami sa paborito naming Steak Restaurant for lunch. May jetlag pa ako pero sinikap kong maging masigla sa harap niya.
"Maghahanap ako ng trabaho pansamantala rito. Dadagdagan ko lang ang ipon ko para makapunta ako sa Spain," sabi ko sa kaniya. Agad siyang natigilan sa paglalaro ng juice niya dahil sa sinabi ko.
"Wala ka pa ngang isang oras dito ayan na kaagad ang iniisip mo. Gaano ka ba katagal dito?" tanong niya.
Sandali akong nag-isip. "Hindi ako sigurado but it's either a month or two," sagot ko. Babalik din naman ako kaagad dito sa Pilipinas kapag wala akong napala o hindi kaya babalik ako sa New York para hingin ang tulong nung lalaking 'yon.
"Oo nga pala, may list ka ba sa lahat ng empleyado sa Calara Empire. From highest position down?" tanong ko. Alam kong mataas ang pwesto niya sa CE dahil dalawang taon na rin siyang nagtatrabaho roon plus maganda pa ang credentials niya.
"Sa dami ng empleyado ng CE. Dito palang sa Pilipinas ay mapapagod ka na sa pag-reveiw ng mga profile nila," sagot niya sa akin.
"Pero meron ka nga?" pangungulit ko.
"I have. Nasa office. Bakit?" takang tanong niya.
"Saang listahan ang meron ka? Dito lang ba sa Pilipinas?"
"I do have one each branch. Bakit nga?"
"Pahingi. Please?" parang batang sabi ko. "May hinahanap kasi ako at nakilala ko siya noong nagkaroon ng celebration sa beach na pinagtatrabahuhan ko. Naalala mo 'yon? Feeling ko nagtatrabaho rin siya sa CE pero wala akong mahanap sa internet about him."
"Him? Lalake?" kunot-noong tanong niya. Tumango naman ako sa kaniya. "Para saan? At bakit ka interesado sa kaniya? Pogi ba?"
"Kinda."
"Crush mo?" Pinag-taasan niya ako ng kilay.
"Hindi. May kailangan lang akong malaman tungkol sa kaniya."
"Ano naman?" tanong niya nanaman.
"Ang dami mo namang tanong, eh," I pouted. Tumawa tuloy siya bago ginulo ang buhok ko.
"Sige, kukunin ko bukas. Basta ba sa condo ka titira habang nandito ka," nakangising sabi niya. Sinasabi ko na nga ba at ipapasok niya sa usapan ang tungkol sa bagay na 'yon.
"Maghahanap nalang ako ng aparmement malapit sa condominium mo. Okay ba?" suhestiyon ko.
"Ayoko. Gusto ko roon mismo."
Bumuntong-hininga ako. Gusto kong tumanggi dahil nahihiya rin ako sa mga magulang niya lalo na at alam kong bumibisita sila sa kaniya tuwing weekends at ayokong may iba silang isipin sa akin. Although kilala na nila ako pero nahihiya pa rin ako.
"Si Mommy naman ang nag-insist. Para raw hindi ka na gumastos pa," dagdag niya, mukhang nabasa ang iniisip ko. Sa huli ay bumuntong-hininga nalang ako at pumayag sa gusto niyang mangyari.
Pagkatapos naming kumain ay dumeretso na kami sa condo niya. Dalawa ang kwartong meron siya, kwarto niya at isang guest room. Minsan na akong nag-stay sa guest room niya pero agad ding umalis dahil nakahanap din naman ako kaagad ng apartment na titirhan malapit lang sa dating pinagtatrabahuhan ko.
Dumeretso na ako kaagad sa kwarto para ilagay ang maleta ko bago nag-stay muna sa sala dala-dala ang laptop. Seryoso akong nakatingin sa screen habang nagtitipa ng kung anumang pwede kong i-search mahanap 'yong lalaking 'yon.
"Calara Empire employee list... a boy with---"
Agad kong tinakpan ang screen ng laptop nang matanto kong binabasa niya kung ano ang sinearch ko. "Ano ba?" pikon na tanong ko sa kaniya.
"Gumagana pa pala 'yan?" tanong niya, tinutukoy 'yong laptop.
"Oo, iniingatan ko, eh," sagot ko sa kaniya bago bahagyang umusog para hindi niya makita ang ginagawa ko pero umusog din siya katulad nang ginawa ko. "Ano ba, Nix..." inis na sabi ko pero hindi niya ako pinansin. Mas lalo niya lang siniksik ang sarili sa akin.
"Sino ba kasing hinahanap mo at bakit interesadong-interesado ka?" tanong niya.
Bumuntong-hininga ako bago humarap sa kaniya. "Okay, tell me if you see someone similar to my description. He's tall, 192 centimeter, tapos he looks young, parang ikaw lang tapos... his hair is like this..." Iniba ko ang hairstyle niya bago ko siya pinaharap sa salamin. "Ganiyan but he have bangs. Singkit siya tapos---"
"Puputi na ata buhok mo pero hindi mo pa rin mahahanap 'yang taong tinutukoy mo." Pabiro niya akong inirapan bago binalik sa dati ang buhok niya. "Ibibigay ko nalang sa 'yo bukas ang listahan ng mga empleyado sa CE. Magpahinga ka nalang muna."
Parang bata kong sinara ang laptop bago nagtungo sa guest room para magpahinga. Habang nakahinga ako nanatili lang akong tulala habang iniisip 'yong lalaki. Sa dinami-dami ng tao, bakit siya? Is this a sign na parte nga ba talaga siya ng past ko? Matagal ko ng hinintay ang chance na 'to at ngayon nandito na 'yong taong makakatulong sa akin, hindi ko na 'to papakawalan.