Chapter 1

2190 Words
This story is a work of fiction and only a product of author's imagination. Names, Characters, Places, and Events are purely my imaginations. Any resemblance to real persons are hundred percent coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME All Rights Reserved® kristelites ----- "Orange juice with extra ice on table 14!" Dinig kong sigaw sa counter kaya dali-dali akong nagtungo sa drinks section para gawin ang order. "One order of large fries with cheese on top!" Agad akong nagtungo sa food section para sana ihanda 'yon pero nagsalita nanaman muli ang kasama ko sa trabaho. "Milkshake with two straws on table 3. Marge, just stay on the drink section. You are more needed there." Tumango ako sa kaniya para muling bumalik sa pwesto ko kanina. I'm working at one of the famous food chains here in New York. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito at sino ang nagtulak sa mga paa ko. Basta nakita ko nalang ang sarili kong tinatahak ang bansang ito. May kung anong parte sa akin ang gustong pumunta rito at hindi ko 'yon inignora dahil maaaring makakuha ako ng kaunting impormasyon dito kung ano nga ba ang nangyari sa akin at kung sino nga ba talaga ako. Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho hanggang matapos ang shift ko. Hanggang lunch lang ang oras ng pagtatrabaho ko rito at kailangan ko pang pumasok sa dalawa pang trabaho ko. Agad na akong nagbihis ng damit na at hindi na nag-abala pang sumabay sa mga katrabaho ko para kumain.  "Marge! You should eat first!" sabi noong isa sa madalas kong kasabay sa shift pero katulad ng madalas na ginagawa ko ay tumanggi lang ako bago nagpaalam. Pumirma lang ako sa log book namin bago ako dali-daling lumabas. "Good morning! You're early, did you eat your lunch?" bungad sa akin ng boss ko. May-ari siya ng flower shop na pinasukan ko at tatlong oras lang ang trabaho ko rito dahil part-time lang naman 'to "No, Ma'am. I need to earn money first," I joked before wearing my uniform. "I bought food for you. You should eat. I'll go now," nakangiting sabi niya sa akin. "Thank you, Ma'am." I smiled sweetly at her before getting the food she bought me. Sa lahat ng boss ko, siya talaga ang pinaka-close ko. May edad na rin kasi siya at wala pa ring asawa at anak. Nasa malayo rin ang mga kamag-anak niya kaya katulad ko ay mag-isa lang din siya sa buhay. Ang pinagkaiba lang namin ay mayaman siya, samantalang ako ay kailangan ko pang kumuha ng maraming trabaho para lang magkapera. Nag-asikaso lang ako ng mga customers na dumadating at inaayos ang mga binibili nila. Isa rin ito sa kilalang flower shop at malaking tulong na nakuha ako rito dahil medyo malaki rin ang sahod na nakukuha ko.  Kahit na nangangalay na ang kamay ko sa kakaayos ng mga bulaklak ay sinikap ko pa ring ngumiti sa bawat customer na nakikiusap sa akin tungkol sa gusto nilang kalaban ng bouquet na bibilhin nila.  Pasimple akong bumuntong-hininga habang inaayos ang ribbon ng isang customer na kadarating lang kanina. Isa siya sa customer ng flower shop na ito at madalas talaga ay nasa lima hanggang walo an binibili niya tuwing pumupunta siya sa shop. "Aren't you still gonna accept my offer?" nakangiting tanong niya sa akin. Katulad nga ng sabi ko, madalas siya rito at sa tuwing pumupunta siya rito ay hindi niya ako tinitigilan sa offer niya. Gusto niya akong kuhaning modelo. Sa pagkakaalam ko, isa siya sa proffessional photographer dito sa bansa kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako pa ang naisip niyang kuning modelo gayong marami naman siyang connection sa iba pang sikat at may alam sa pagbibigay ng magagadang pose sa camera. "Still no, sir. I'm sorry. I have a lot of work," nakangiting tanggi ko sa kaniya kahit nakukulitan na ako. "It's okay! Just text me when you're free, you have my number, right?" he asked me. "I'll double or triple your payment. Just give me a few poses and you're done. I will make you my permanent model with a high salary."  "I'll think about it, Sir," sagot ko. Iyon talaga ang madalas kong sinasabi sa kaniya at hindi ko maintindihan kung hindi niya ba nakukuha 'yong punta ko o gusto niya lang talaga akong kulitin.  May iilan pang customer na dumating pagkatapos siya bago dumating ang boss ko. Nakangiti ko siyang sinalubong para tulungan sa mga bitbit niya. Sigurado akong namili nanaman siya ng mga bagong gamit para rito sa shop dahil madalas niya talaga 'yong gawin. "Are you leaving?" she asked me. "Yes, Ma'am. I---" "Grandma..." she cut me off. "Yes, G-grandma," naiilang na sabi ko. Gusto niya talagang iyon ang itawag ko sa kaniya dahil wala naman daw siyang apo. "I still have two works for today." "Honey," she held my hand. "You can quit your job and work for me. I promise I'll give you a high salary," she told me. "You're overworking yourself too much. I'm afraid you might get sick." "It's okay, Grandma. I'm taking a good care of my health," nakangiting sabi ko. Pagkatapos ng mahabang oras ng pagpapaalala niya sa akin sa mga dapat kong gawin katulad nang magpahinga ako kahit saglit at kumain ng meryenda ay hinayaan na niya akong umalis. Papunta na ako ngayon sa isa sa madalas na pinupuntahan ng mga tao, which is the beach. Hindi katulad ng dalawa kong trabaho ay mas nakakapagod ito at mas mahaba ang oras na ginugugol ko rito. Mula alas tres hanggang alas otso ang shift ko rito. Isa ako sa mga taga-linis, taga-assist sa mga tao, at minsan ay isa rin akong waitress sa isang coffee shop. Ngunit hindi rin katulad sa mga nabanggit kong trabaho ang amo ko. Masyado siyang masungit at lahat ng galaw mo ay pinupuna niya kaya naman sa tuwing nagtatrabaho na ako rito ay inaayos ko ang lahat mula sa sarili ko hanggang sa trabaho dahil madalas niya rin akong pag-initan ng ulo. Masungit man siya pero hindi ko kailangang bitiwan ang trabahong ito dahil dito ako kumikita ng malaki. "Pagod na ako," reklamo ni Anika, isa sa Pilipinong kasama ko. Nakilala ko siya noong first day ko rito at agad kaming nag-click dahil pareho kami ng lenggwaheng ginagamit. "Kailan ka uuwi ng Pilipinas? Hindi ka ba talaga sasabay sa akin?" tanong niya habang nagpupunas ng mga mesa. Mamaya pa kasi ang bukas ng coffee shop at dito ako nakatoka ngayon. "Hindi pa ako sigurado," tipid na sagot ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong umuwi sa Pilipinas dahil alam kong wala naman akong uuwian doon at isa pa, wala roon ang buhay ko. Sa tagal ng pamamalagi ko sa bansa ay wala man lang akong ni isang katititing na ideya kung sino ba talaga ako.  "Kapag uuwi ka, i-text mo kaagad ako. Ako na ang kukuha ng ticket mo, huwag ka ng mag-alala sa gagastusin mo. Okay ba 'yon?" nakangiting sabi niya. Tumingin ako sa mga mata niya at agad na nag-iwas ng tingin nang may makita. Hindi ako normal na tao, 'yon ang alam ko. Basta isang araw, naramdaman ko nalang na nabuhay ulit ako at kailangan kong hanapin at alamin ang buong pagkatao ko. At isa sa dahilan kung bakit ko napatunayan na hindi ako isang normal na tao ay ang kaya kong makita ang pinakamadilim na sikreto ng isang tao sa pamamagitan ng pagtingin ko sa kanilang mata, ngunit mangyayari lamang 'yon kung gugustuhin ko nga bang malaman ang sikreto nila. At si Anika... alam kong uuwi siya dahil nabuntis siya ng asawa ng boss niya sa isa pang trabahong pinapasukan niya. "Hindi na. Alam kong kakailanganin mo 'yang pera para sa pamilya mo," tanggi ko. "Hindi! May extra money pa naman ako at ipambibili ko nalang ng ticket mo para may kasama akong umuwi!" masiglang sabi niya. Nag-iwas lang ako ng tingin sa kaniya. Gusto ko siyang komprontahin tungkol sa nalaman ko pero alam kong magtataka lang siya at tatanungin ako kung paano ko malaman at hindi ko rin alam kung ano ang sagot na ibibigay ko sa kaniya.  "Sige na Marge, samahan mo na akong umuwi. Hindi mo ba na-mimiss ang Pilipinas? Hindi mo ba na-mimiss si pareng Nixson?" Binitiwan niya 'yong basahan para kumapit sa braso ko. Mas lalo lang akong umiling noong banggitin niya ang pangalan ni Nixson. Nixson is my only friend. Wala na akong ibang kaibigan bukod sa kaniya, maliban na rin siguro kay Anika. Nakilala ko siya noong napadpad ako sa Pilipinas. Simula noon, siya na ang tumulong sa akin sa lahat at alam niya ang lahat ng tungkol sa akin, maliban na lamang sa parteng hindi ako isang normal na taong katulad niya. "Pag-iisipan ko, Ani. Sa susunod na linggo ka pa naman uuwi, may oras pa ako para mag-isip," sagot ko sa kaniya bago nagpatuloy sa ginagawa.  Umalis din siya pagkatapos naming ayusin ang mga mesa at upuan dahil isa sa mga mag-aassist sa mga darating papunta sa mga room at cottage na kukuhanin nila. Hindi ko nga alam kung tama bang magtrabaho pa rin siya gayong buntis siya pero katulad nga ng sabi ko, hindi ko siya pwedeng kausapin tungkol sa bagay na 'yon. Tatlong oras akong pa-ikot-ikot sa Coffee Shop bago ako natapos sa trabaho. May dalawang oras pa ako kaya naisipan kong tumulong nalang kay Anika lalo na at alam kong nahihirapan pa rin siyang makipag-usap lalo na at hindi pa siya masyadong maalam sa Ingles. I know three languages. Tagalog, english, and spanish. Balak kong sunod na puntahan ang Spain pagkatapos kong puntahan ang mga bansang Ingles ang gamit na wika. Malakas din ang kutob ko na may makukuha na ako sa Spain pero hindi pa ganoon kalaki ang ipon ko para pumunta ako roon at mamalagi pansamantala.  "I... uh..."  Naabutan ko si Anika na nahihirapang makipag-usap sa isang bagong dating. Hinawakan ko siya sa braso at nginitian para sabihing ako na ang bahala. "Good afternoon, Sir, Ma'am. I'm very sorry for the inconvenience. How may I help you?" "Do you... uhm..." Napangiwi ako nang matantong kaya rin nahihirapang makipag-usap si Anika dahil pareho pala silang hindi maalam sa Ingles. Magtatawag na sana ako ng ibang kasama namin na maalam sa maraming lenggwahe nang marinig ko ang kasama niyang nagsalita ng spanish. "Sé hablar español," nakangiting sabi ko sa kanila. Nakita kong nakahinga sila ng maluwag bago muling humarap sa akin 'yong lalaki, bahagya ng nakangiti. "Sólo queremos añadir una hora para nuestra mencionada estancia aquí, ¿está bien?" "De acuerdo. Todo lo que tienes que hacer es quedarte en tu habitación o disfrutar de la playa y yo haré el resto. Te pondré al día inmediatamente después de hablar con mi gerente." "Gracias," he smiled at me before excusing himself and his wife, I guess. Ang gusto niya lang palang sabihin ay magpapadagdag siya ng isang oras sa nasabing pag-sstay nila rito. "Alam kong marunong kang mag-espanyol pero nagulat pa rin ako kasi first time kitang narinig na magsalita no'n," namamanghang sabi niya. "Ngayon lang din ako naka-encounter ng espanyol, eh," natatawang sabi ko. "Para akong na-stress sa kaniya. Akala ko ako ang may problema dahil hindi kami nagkakaintindihan dalawa."  Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang braso niya. "Kapag ganoon, tanungin mo kung anong lenggwahe ang alam nila at magtawag ka ng ibang kasama natin para mag-assist sa kanila," nakangiting sabi ko. "Oo na. Baka taga-spain ka talaga. Halata rin sa features ng mukha mo. Kung hindi mo lang talaga sinabi sa akin noong una na pinay ka pagkakamalan kitang foreigner," natatawang sabi niya na nakapag-patigil sa akin. "Mukha akong ano?" tanong ko sa kaniya.  "Para kang may lahi. Grabe, hindi ka ba tumitingin sa salamin? Kung ganiyang mukha ba naman meron ako aba, minu-minuto akong haharapan sa salamin 'no!" "Ano bang itsura ng mukha?" muling tanong ko sa kaniya. "Iba nga, para ka talagang may lahi. Pero habang tinitingnan ko kayong nag-uusap nung lalaki, parang same kayo ng features. Baka Espanyol ka talaga? Ikaw ha, anak ka ata ng hari at reyna roon eh," natatawang biro niya sa akin. Hindi ako nilubayan ng sinabi sa akin ni Anika. Alam kong iba ang hulma ng mukha ko at alam ko sa sarili kong hindi talaga ako Pilipino at wala akong dugong Pilipino pero hindi ko maintindihan kung bakit niya sinabi sa aking Espanyol ako. Nagsimula nanaman tuloy tumakbo sa isip ko ang binabalak kong pagpunta sa Spain.  Pinilit kong walain ang kung anumang iniisip ko at nagpatuloy nalang sa trabaho. Pagod na pagod na ako nang nagtungo ako sa harap ng coffee shop upang magpahinga saglit bago ako umuwi.  "You won't work overtime?" tanong sa akin noong isa pang kasama ko sa trabaho. Napansin ko rin na karamihan sa mga kasama ko ay abala pero hindi ko magawang magtanong kanina dahil may ginagawa rin ako. "Why? I thought we're close early today?" I asked her. "Yes, uh, someone rented this beach for a program. You should work overtime! That's still money," pang-eencourage niya sa akin kaya kahit na gusto ko ng umuwi ay tumayo ako at lumapit doon sa manager namin para sabihing mag-oovertime rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD