2

1118 Words
Kaya mo yan.. Mariing ipinikit ni Zac ang mga mata habang pilit na pinapagaan niya ang pakiramdam. "Bye, sir" nakangiting paalam sa kaniya ng nurse na nasalubong niya sa mahabang pasilyo ng ospital. Matipid na ngumiti siya at tumango bilang tugon. Schedule ngayon ng check up niya kaya naroon siya sa ospital. Katatapos lamang ng check up niya at hindi na siya nagulat sa sinabi ng doktor niya kanina. Epekto daw ng labis na stress at pag iisip niya kaya madalas ay nakakaramdam siya nang paninikip ng dibdib. Malungkot na nagyuko siya ng ulo at hindi na nag abalang tingnan pa ang mga taong nasasalubong niya. Isa lang naman ang dahilan kung bakit siya nahihirapan ngayon pero hindi niya maaaring sabihin iyon sa pamilya niya dahil tiyak na marami siyang masasaktan. Narinig niyang tumunog ang cellphone niya at tila wala sa sariling kinuha niya iyon mula sa bulsa ng pants niya at sinagot ang tawag. "Hello?" "Hello, best friend! nasaan ka?" ang masiglang bungad ng best friend niyang si Patty sa kabilang linya. "Nasa ospital ako ngayon para sa monthly check up ko. Why, Patty?" "Ganoon ba? uhmm.. ano kasi.." tila nag aalangan ang tinig na sabi nito. "Kasi?" "Kasi.. ano.. h-hindi ka pwedeng mawala sa kasal namin ng kakambal mo ha?" Nagpakawala siya ng pekeng tawa kahit animo ay parang unti unting nawawasak ang puso niya. Napakahirap para sa kaniya na magpanggap na ayos lang ang lahat pero dahil mahal niya si Patty at ang kakambal niyang si Kurt ay nakahanda na siyang magparaya. Pinagbabayaran mo lang ang mga panahon na ninakaw mo sa kanilang dalawa, Zac. Nang uuyam na sabi ng kabilang bahagi ng isip niya. "Nangako na ako sa'yo 'di ba? ako ang best man kaya papaanong hindi ako pupunta?" "Zac.." "Pat, napag usapan na natin ito 'di ba? okay na ako.. tanggap ko na ngayon na hindi talaga pwedeng maging tayo. Alam ko na ngayon ang limitasyon ko at matagal ko na rin alam na hanggang pagiging best friend lang talaga ang role ko sa buhay mo. Si Kurt ang mahal mo at hindi ko na mababago pa ang katotohanang iyon." bawat salitang binibitiwan niya ay parang patalim na bumabaon sa puso niya. "S-salamat, ha?" Pagkatapos nang pag uusap nila ni Patty ay dumiretso na siya sa parking lot ng ospital at kaagad na pumasok sa loob ng sasakyan niya. Ngunit sa halip na paandarin ang makina ng sasakyan ay tulalang isinandal lamang niya ang ulo sa manibela. Gusto niyang sumigaw ng malakas para kahit papaano ay mabawasan ang matinding sakit na namamahay sa dibdib niya. Wala ng mas sasakit pa sa katotohanan na hindi siya kayang mahalin ng taong mahal niya. Simula pagkabata ay best friend na niya si Patty. Ang buong akala niya ay maaaring magkaroon ng katugon ang damdamin niya dito kaya nang matuklasan niya noon na may lihim na pagtingin dito ang kakambal niyang si Kurt ay pilit na pinaglayo niya ang dalawa. Pero nagkamali siya nang isipin niya na maibabaling ni Patty ang pagtingin nito sa kaniya ng umalis si Kurt ng bansa. Sa huli ay sumuko na siya. Muling bumalik si Kurt at ngayon nga ay magpapakasal na ang mga ito. Maligaya siya sa kinahinatnan ng pagmamahal ng mga ito. Pero sa kabila ng lahat at kahit ipinapakita niya sa mga tao na masaya siya ay hindi pa rin niya mapigilan ang makaramdam ng sakit. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya masasaktan ng ganoon katindi. Iiwas na lang marahil siya para hindi makita ng buong pamilya niya na apektado pa rin siya. O baka magpapakalayo siya para...... "Mga manloloko kayo! ang kapal ng mukha mo para alokin ng kabaong ang daddy ko. Hayop ka! dapat ikaw ang gumamit ng kabaong na ibinebenta ng kompanya ninyo isama mo na rin ang babae mo na mas makati pa sa fungi!" Huh? Nagulantang siya ng maramdaman ang malakas na pagbukas ng pinto sa bandang passenger seat ng sasakyan at ang galit na tinig ng isang babae. Gulat na dumiretso siya ng upo at nag angat ng tingin para alamin ang nangyayari sa paligid niya. Lumingon siya sa passenger seat. Napaawang ang mga labi niya nang makita niyang nakaupo na doon ang isang napakagandang babae na may alon-along buhok at may mamula mulang mga pisngi. Ano ang nangyayari? nananaginip ba siya? papaano nagkaroon ng isang ganoon kagandang babae sa loob ng sasakyan niya. Ilan beses siyang kumurap pero hindi pa rin ito nawawala sa paningin niya. . "Totoo ba ito..." naguguluhang anas niya. Napaawang ang mga labi niya ng bigla ay umiyak ng malakas ang babae. Tulalang pinagmasdan niya ito. Hindi dapat siya manatiling walang kibo dahil baka miyembro ito ng sindikato at may hindi magandang balak laban sa kaniya. Pero ano ang gagawin niya? kahit siguro holdaper pa ang babae ay kusang bibigay ang biktima nito dahil sa nakakaakit na kagandahan nito. Pinaghalong Gretchen Baretto at Julia Baretto ang ganda nito. Napakaganda nito kahit panay ang pag iyak nito at nasisiguro niya na walang kalahi ni adan ang hindi maaakit dito. "M-miss?" walang kakurap kurap na inabutan niya ng panyo ang babaeng umiiyak. Nagmistula itong paslit na inaway ng kalaro. At kahit hindi niya ito kilala ay parang gusto niyang ikulong sa mga braso at gawin ang lahat para lang tumahan ito sa pag iyak. Nababaliw ka na ba Zac Andrew! saway niya sa sarili. Malakas na tumikhim siya para maagaw ang atensiyon ng babae. Umiiyak na kinuha nito ang panyo at nagsalita. "S-salamat.. kuya, pakihatid na lang ako sa flower shop ko." anito at idinetalye sa kaniya ang address ng flower shop na tinutukoy nito. Eng? Mukha ba siyang taxi driver? "A-ano kasi.. Miss.." "Sige na kuya please?" turan nito habang humihikbi. Mahina ang puso niya pagdating sa mga babaeng umiiyak kaya napilitan siyang buhayin ang makina ng sasakyan at ihatid ito sa destinasyon nito. Naisip niya na hindi lang pala siya ang may pusong nasasaktan. Sinulyapan niya ang babae sa rareview mirror. Humihikbi pa rin ito habang pinupunasan nito ang mga luha sa pisngi. Hindi niya mapigilan ang pagsilay ng mga ngiti sa labi niya. Napakacute tingnan ng babae at sa totoo lang ay napakaraming eksena ang pumapasok sa isip niya kung papaano niya ito magagawang patahanin. Mga bagay na hindi naman niya nagawa kay Patty noon dahil hindi naman siya nito pinahintulutan. Napailing siya. Nababaliw na siguro siya. Nakakabaliw kasing isipin na habang iniisip niya kung papaano maghihilom ang sugat sa puso niya ay bigla na lamang siyang ngingiti. Nakakabaliw din isipin na buong buhay niya ay ngayon lamang siya ngumiti ng ganoon at ang bukod tanging dahilan ay ang babaeng hindi naman niya kilala at basta na lang pumasok sa loob ng sasakyan niya habang umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD