Episode 3: My Role

879 Words
Maaga pa lang pero gising na si Anika. Hindi dahil excited siya, kundi dahil hindi siya mapakali buong gabi. Paulit-ulit sa isip niya ang malamig na tingin ni Doña Maria dela Verde, ang biglang pagdating ni Nick, at ang tanong na hindi pa rin niya masagot—ano nga bang napasukan niya? Habang nag-aayos siya ng buhok, napatingin siya sa uniform na kailangan niyang isuot. Simple, malinis, at bagay sa isang bagong PA. Pero habang sinusukat niya ang sarili sa salamin, napabuntong-hininga siya. "Kaya ko ’to. Para sa pamilya ko," bulong niya sa sarili, kahit parang hindi siya kumbinsido. Paglabas niya sa kwarto, sinalubong siya ng amoy ng freshly brewed coffee. Tahimik ang hallway—masyadong tahimik. Para bang may mga matang nakatingin sa kanya mula sa mga mamahaling painting sa dingding. Lalong bumigat ang dibdib niya. Hindi talaga siya sanay sa ganitong karangyaan. Kahit anong iwas niya, mukha talagang ibang mundo ito. Pagdating niya sa dining room, halos napahinto siya. Doña Maria was already there—nakaupo nang diretso, walang kahit anong pagkilos na hindi elegante. Naka-patting back ang buhok nito, suot ang dark green silk robe at pearl earrings. Mukha talagang reyna sa sariling kaharian. At syempre… nandoon din si Nick. Nakatayo sa gilid ng mesa, hawak ang tasa ng kape, parang modelong hindi sinasadya. Walang effort pero gwapo. Walang makeup pero mukhang photoshoot-ready. Kahit simpleng puting T-shirt lang ang suot, may dating. Tumikhim si Doña Maria, parang paalala na bawal mag-daydream sa harap niya. “Good morning, Anika,” tipid na bati ni Nick, pero may slight smile. Not mocking—more like… amused. “Good morning po,” sagot niya, sabay yuko. “You’re late,” malamig na sabi ni Doña Maria, kahit alam nilang hindi naman. 6:59 pa lang. One minute early. “N—nagising lang po ako nang maaga, Ma’am,” sagot niya, halos mabali ang dila. “Good. Today will not be easy. You will follow Nick. Shadow him. Learn everything,” sagot ng Doña habang kumukuha ng isang chocolate croissant na siguradong mas mahal pa sa buong weekly budget ni Anika. Napakurap si Anika. “Si… si Sir Nick po?” “Yes,” sagot ni Nick mismo, may bahagyang ngisi na parang alam niyang uncomfortable si Anika. “Don’t worry. Hindi ako nangangagat. Unless kinakailangan.” Napatingin agad si Anika sa sahig. Diyos ko, bakit ba ang gulo ng aura ng lalaking ’to? Charming pero intimidating, mabait pero nakakatakot. Mysterious pero… mabait naman siya? O inaakala lang niya? “Stop smiling, Nicholas,” singit ni Doña Maria, hindi man lang lumilingon. Naputol kaagad ang smirk ni Nick. “Hindi ako naka-smile, Mama.” “I can hear it in your voice,” malamig na sagot ng Doña habang nagbubukas ng iPad, hindi na tumitingin sa kanila. Pwede pala yun? Napaisip si Anika. Hearing a smile? Level 999 ng pagiging masungit. “Let’s go?” aya ni Nick, hinahawakan na ang kanyang keycard. Akala ni Anika ay maglalakad lang sila around the estate. Pero hindi—lumabas sila ng mansion, tumawid ng garden, hanggang makarating sa likod-bahay… kung saan nakatayo ang isang malaking industrial greenhouse. Pagpasok nila, parang biglang nag-shift ang mundo. Mainit, humid, at puno ng halaman na sobrang luntian na parang kagubatan pero naka-organize. Nagulat si Anika. “Ito ang trabaho ko,” sabi ni Nick habang naglalakad sa aisle ng mga glass tables. “Green innovations. Hydroponics. Eco-systems. Lahat ng ayaw sa akin ni Mama… nandito.” Natawa si Anika. “Ayaw po niya?” “Oh yes,” sagot ng binata, huminto sa isang table na may maliliit na seedlings. “Para sa kanya, walang value ang trabaho ko kasi hindi ito flashy. Hindi ito ‘social event’ material. Hindi siya pwedeng mag-announce sa charity gala na ‘My son grows lettuce.’” Napailing si Nick, pero hindi galit. Mas parang sanay na. Nasasaktan pero tinatawanan na lang. Tumitig si Anika sa mga halaman. Ang daming klase—mint, basil, lettuce, lavender. Mukhang masaya ang lugar, vibrant, buhay. “Maganda po dito,” sabi ni Anika. “Parang hindi parte ng mansion. Parang ibang mundo.” Nick smiled—totoong ngiti, hindi yung mocking, hindi yung playful. Warm. Soft. “Thanks. Usually ako lang mag-isa dito,” sabi niya. “Pero ngayon, may kasama na ako.” Biglang nainit ang katawan ni Anika kahit malamig ang air-conditioning sa greenhouse. “A—ako po?” “Yes, you. I’ll teach you things. And you’ll assist me. Yun ang sinabi ni Mama, ’di ba?” sagot ni Nick with a hint of sarcasm. Napasapo siya sa dibdib. Totoo. Pero bakit parang nakakatakot na mas masaya si Nick na makasama siya kaysa magtrabaho mag-isa? “And don’t worry,” dagdag niya. “I won’t let Mama scare you too much.” “Hindi naman po ako natatakot,” pagtatapang-tapangan ni Anika. “Oh? Kanina parang nanginginig ka,” sagot ni Nick habang nag-aayos ng humidity meter. “Hindi po ako nanginginig!” mabilis niyang sagot. “Sure ka?” mas lalo pang nang-asar ang binata. “May footage naman ang CCTV. Pwede nating i-review mamaya.” “HUWAG NA PO, SIR.” Natawa si Nick nang malakas—hindi yung sarcastic, kundi yung tipong genuine na natutuwa talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD