Chapter 13

1658 Words
Celestia Isa-isang nagsi-sulputan ang mga patibong galing sa kung-saan. Bumunghalit ako ng tawa. Tawang mala-demonyo. Mga tanga. Serves them right. Sinabi ko nga hindi ba, na maniningil ako. Iyan ang kabayaran sa ginawa nila sa akin. Kung nagdusa ako sa mga kamay nila, mas magdudusa sila sa mga kamay ko, dahil masama akong subukan. Umupo ako sa hinandang sofa na nasa gilid ng oval saka pinindot ang iPad na hawak ko. May lumabas na hologram sa harap ko kung saan makikita ko silang lahat na nasa kani-kanilang screen. Tiningnan ko ang status nila. Lima na lang ang wala pang ni-isang galos, si Lazarus, Dream, ang internal secretary na si Adele, external treasurer na si Phillip, at isang Dashinggarde representative na si Rupert. Ang iba ay may kani-kanilang mga sugat na. Tiningnan ko ang iba na halos mahimatay na sa pagod at sakit na dinanas nila. May isa ngang halos maligo na sa sarili niyang dugo. Tsk tsk tsk. Do you think I am being unfair? Supposedly, yung main officers lang talaga sana ng student regent ang dapat kong parusanmhan since sila naman talaga ang may pasimuno, but then, I remembered that what they did to me was unfair, too. I have to return the favor, somehow. They treated me unfairly, so I have to treat them unfairly, too. And mind you, whether it's suffering or a good thing, I always make sure to pay the person back threefold of what was given to me. Pumangalumbaba ako sa arm rest ng sofa. I watched the monitor closely. This is getting boring. Weak. Pang twenty na laps pa nga lang nila 'yon, sumuko na sila. May tatlo nang nakahilata sa oval. Hinayaan ko lang sila do'n. They will not be taken to the Infirmary not until someone will finish the course. Yes. I'm a merciless cold-hearted b***h. Wala akong pake. They deserved my wrath. I grabbed my iPad and pressed the button for the moderate difficulty. Easy pa yung naranasan nila kanina, pero ang dami na kaagad nilang galos at sugat na natamo. They seriously need some training with me. Kinakalawang na ang mga joints nila sa katawan. Hindi na ata nagwo-work nang maayos ang mga kasu-kasuhan nila. Amababagal eh. I noticed that the representative of Trembleblane stopped running. She's now busy attending to his friend. Ang dami na kasing sugat nung kaibigan niya kaya ayun, tumba. "Help! Headmistress please help my boyfriend. He needs an urgent treatment right now. Please please. Maawa ka po. He'll die if we'll just let him be!" Naiiyak niyang sigaw. Pinindot ko ang mic button sa iPad ko saka nagsalita. "Walang makakalabas sa loob ng building na ito hanggang sa may isang makatapos ng  test. Wala akong pake kung may naghihingalo man sa inyo. Wala rin akong pake kung may mamamatay man sa inyo. The hell I care about your lives?! Force yourselves to finish the test. Walang lalabas hanggat walang ni-isa ang makakatapos. Your own lives depend on your courage and fighting spirit to finish this test. Kaya tapusin niyo na ang test or else lahat kayo mamamatay dito." Nagsimula nang mag-iyakan ang iba at pilit ta tinapos ang pagsubok kahit na punong-puno na sila ng galos at sugat. Tiningnan ko ang screen ni Lazarus at nakita ko siyang galit na tumatakbo habang iniilagan ang mga pana at kutsilyong paparating sa kanya. Impressive. Naka ika-limampung ikot na siya sa oval pero wala pa rin siyang ni isang galos. He must've trained so hard to achieve that kind of stamina. Isang oras ang lumipas at halos wala ng buhay ang lahat. Dream gave up on her 78th lap. Hindi niya na kinaya. Ang tanging natira na lamang ay si Lazarus, na kahit halos matumba na sa pagod ay patuloy pa rin siyang tumatakbo at umiilag para maiiligtas ang buhay ng mga miyembro. Maybe he feels like his members are his responsibility because he's the League of Students Regent president, huh? Sabagay, kasalanan din naman niya kung bakit sila nandito ngayon. He's on his  98th lap now, at wala pa rin siyang sugat. I smirked and pressed the button for the HARD difficulty. Tingnan natin kung kakayanin mo pa rin ba iyan, Lazarus. Napansin niya na mas dumami at mas bumilis ang mga nagliliparang patalim patungo sa kaniya. At kahit halos mabuwal na siya sa kaniyang kinatatayuan, patuloy pa rin siya sa pagtakbo at pag ilag. Malapit niya ng matapos ang 100 laps nang walang ni isang galos. And just before he took the last step to finish the task, I secretly throwed a dagger towards him. Huli na nang siya ang makailag. Dumaplis ang dagger sa may kaliwang pisngi niya. Umagos ang masaganang dugo mula doon. There. May sugat na siya. I had no intention to grant their wishes anyway. Tumayo na ako mula sa aking kina-uupuan. And just in time, nagsidatingan na ang ambulance na magdadala sa mga sugatang miyembro ng student regent patungong Infirmary. Hindi ko na alam kung buhay pa ba 'yong iba o naghihingalo pa ba, at wala din naman akong pake. Lumayas na ako doon nang hindi tinitingnan ang mga kalagayan nila. For sure they hate me now, so why bother? Mag-aaksaya lang ako ng oras. Dumiretso na ako sa dorm ko dito sa school. Mag-aalas dos na ng umaga. Pagod na akong umuwi kaya napagpasiyahan kong dito na muna matulog pansamantala. The topmost floor of the girls' dormitory is mine. I have my own private elevator that I use whenever I will go here. Nang makarating na ako sa floor ng kwarto ko, agad kong inilapat ang dalawa kong kamay sa screen na nasa aking harapan. Nang ma-identify na kamay ko 'yon, bumukas ang isang eye scanner para i-scan ang mata ko. Nang maconfirm na ako iyon, nagsalita ang isang may-robot na boses. "Welcome milady. Please state your password." "Flectere si nequeo superos, Acheronta movebo." After I said that, the door leading to my dorm opened. Isang mahabang hallway na puno ng mga paintings pa ang dinaanan ko bago ako nakarating sa mismong dorm ko. Pagkarating ko sa may pintuan, ni-scan ko nalang ang mata ko sa bilog na nasa ibabaw ng pintuan. Bumukas ang pintuan ng dorm ko at agad akong pumasok. My dorm's interior is a combination of retro and contemporary. Hindi na ako nag-abalang tingnan pa ang paligid at agad na lang humilata sa kama at natulog. Darn. I'm tired. Nakakapagod palang umupo lang doon at tingnan ang katangahan nila. Kinabukasan, maaga akong nagising, kaya't naisipan kong maglibot libot muna sa loob ng campus, at nang dumami na ang mga estudyante, tinigil ko na nag pamamasiyal at nagpunta na lang sa classroom. Pagdating ko sa classroom, napansin kong wala ang iba, then I remembered what I did to them last night. I shook my head and secretly smirked before proceeding to my seat. I guess hindi muna available ang student regent simula ngayon. Marami ang magbubunyi. Ngunit laking gulat ko na lang nang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Lazarus. Ang sama ng tingin niya sa akin. Agad siyang lumapit sa akin at tiningnan ako ng mariin. I saw the scar that I caused. I smirked. "Can we talk?" May diin niyang sabi. I stood up and walked towards the door. Sumunod naman siya sa akin. At nang makarating kami sa tagong parte ng A-GOV, he pulled my arm and made me face him. "Sa pagkakaalam ko, kami lang ni Dream ang may atraso sa'yo. Bakit kailangan mo pang idamay ang ibang miyembro ng Student Regent sa parusa na dapat sa amin lang ni Dream?" galit niyang tanong. Inirapan ko siya. And here I thought that they have learned their lesson. Hindi pala. "You know what Lazarus, sometimes, learning through the hard way is necessary para marealize ninyo ang mga pagkakamali ninyo. It doesn't matter kung sinu-sino ang involved..." I paused for a while and then continued. "Ang sa akin lang, follow proper protocol before accusing someone. If you accuse  someone without even verifying the facts, that could lead to a much more worse damage. Malas niyo lang talaga at ako pa talaga ang inakusahan niyo. Ayan tuloy, muntik ng mamatay ang mga members mo. Kaya sa susunod, huwag kayong magpadalos-dalos. At siya nga pala, may nakuha din naman kayo sa punishment na inihanda ko. At least ngayon, alam niyo na sa sarili ninyo na hindi pa pala kayo malakas, na mahina pa rin pala stamina ninyo. Kaya kung ako sa inyo, you will take that as an opportunity to improve." "It doesn't matter. Muntik nang mamatay ang mga miyembro ko. I know na ikaw ang may-ari ng eskwelahan na ito pero sumusobra ka na yata, na pati buhay ng mga estudyante pinaglalaruan mo." Galit niyang wika sa akin. "My, my. Students of Academia de Gualrtiero Orfeo V. shouldn't be afraid to die. Students should face death head on kung nagdesisyon silang mag-aral sa paaralan na ito. Pinagsabihan na kayo niyan bago pa lang kayo pumasok dito." Hinila ko ang necktie niya at siya ay napalapit sa akin. Inilapit ko ang bibig ko sa kaniyang tainga at binulong sa kaniya ang ika-labing siyam na paalala mula sa A-GOV. "As you step foot inside this academy, you must be prepared for anything, even death. Those who are afraid to die do not meet the standards of this academy and must be therefore thrown out of the school." Pabalya ko siyang binitawan at naglakad na lamang papunta sa opisina ko para magbasa at magsign ng kokonting papeles. Nawalan na ako ng ganang pumasok. I gritted my teeth and crumpled whatever I was reading. That guy dared to question my decisions. Nakakainis. Dahil sa iritasyon, itinapon ko ang mga iilang papeles na nasa mesa ko. I kicked my table. Ngunit natigilan ako nang may isang itim na sobre ang nahulog sa sahig. Agad ko itong binuksan ang binasa. "If you think you know yourself, then you are absolutely wrong, Celestia. Your whole identity is a lie. You belong to us. Leave this school immediately. We will be waiting for you." -Z 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD