SAM'S POV ~BAHAY kubo kahit munti wikiwik! tsug! Tsug! Santa baby, santa baby whoot! Love me like you do-- "Asar!" inis na sigaw ko sabay bangon sa pagkakahiga sa kama ko! Oo inattempt kong mag-remix ng tugtog gamit ang utak ko kasi... 'Yung feeling na wala kang maisip gawin?! 'Yung feeling na gusto mong mag-isip pero blanko! Blanko ang utak ko! Ano ba ang dapat gawin ko ngayong araw? O ano ba ang dapat kong isipin?! Ito 'yung nararamdaman ko eh! Pabagsak na humiga ako sa kama ko ulit. "Kausapin ko na lang kaya si simsimi?" tanong ko sa sarili ko. Tsk! Napangiwi ako. Noon, okay na kausapin si simsimi pero ngayon, nonesense na siya! Hindi na kasi uso! "Mag dubmash na lang kaya ako? O 'di kaya i-try 'yung musically ba 'yun? O di kaya naman mag video na lang ako tungkol sa hugot-hugot?!" Tsk

