Jean Grey's POV Nakailang kiss pa si Sir Hunter bago siya tumayo sa kama ko, kung hindi ko pa ata siya pinilit ay hindi pa siya kikilos. Paano ba naman eh basa pa din ang damit niya. Ang gusto ko ay maligo na siya, at magpalit ng tuyong damit, at ayoko siyang magkasakit lalo pa at may date kami bukas. Akala ko ba one step at a time pero bakit ayaw na niyang lumabas dito ngayon?! Nasa may pinto na siya pero bumalik din para ibigay sa akin ng pormal ang bouquet ng red roses, teddy bear at box ng imported chocolate. "For you my Angel." Aniya habang inaabot sa akin ng MAAYOS ang mga iyon. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na hindi matawa, para kasing hindi bagay sa kanya na maging mabait. "Don't laugh at me?" Seryoso niyang sambit. "I'm not laughing at you, I'm so happy sa mga bin

