Jean Grey's POV 7:30 PM na ng gabi pero hindi pa rin nalabas ng kwarto si Sir Hunter kaya nagpasya na ako'ng katukin siya para yayain siya na kumain muna kami ng hapunan bago kami pumunta sa bar ni Tita Jack, kailangan talaga naming magpunta dahil baka magtampo na naman 'yun kapag hindi pa kami nagpagkita ngayong gabi. Thud, thud, thud, thud.... "Hunter, Hunter, Hunter tulog ka ba?" Tawag ko sabay katok muli ng bigla niyang binuksan ng bahagya ang pintuan. "Just give me five." Sabay biglang sara muli ng pintuan. Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin sa pintuan na kakasara lamang dahil bakit nakahubad pa din siya?! Iyong ayos niya kanina ng makita namin siya sa balcony ay ganu'n na tanging tapis lang ng puting tuwalya ang nakabalot sa katawan niyang hot. Napapangiti tuloy ako

