Hunter's POV Kinatok ko ng ilang beses ang pintuan ni Jean Grey pero hindi niya ko pinagbuksan. "Siguraduhin mo lang na from now on ay lagi mong ila-locked ang pintuan ng kwarto mo dahil sinasabi ko sa'yo Jean Grey!" Inis kong sabi, and hoping na narinig niya. Sobrang tigas pala talaga ng ulo niya. Hindi niya talaga sinunod 'yung utos ko tapos nagpahabol pa?! At ako naman ay humabol din. Fùck talaga! Ano bang nangyayari sa akin?! Agad ako'ng umalis sa pintuan ng kwarto niya, at nagpasyang bumaba ng mapagtanto ko ang mga pinagggawa ko. Naghintay na lamang ako sa may sala, at maya-maya pa ay bumaba na siya, at nagtuloy tuloy ng lakad palabas. "Tara na, ready ang car." Sabi pa niya pagkalagpas sa akin. Tumayo naman ako, at sinundan siya. Ang bilis na naman ng lakad niya, at napangisi a

