Jean Grey's POV After ako'ng iwan ni Sir Hunter mag-isa sa may pool area ay nag-swimming lang ako saglit at pagkatapos ay umahon na din ako, at nagpasyang umakyat pabalik sa room ko. Wala ng dahilan pa para mag-stay ako ng matagal, at hindi na rin naman ako nag-e-enjoy. Paano naman ako mag-e-enjoy kung parang pakiramdam ko ay ni-reject ako. Hindi umubra ang pang-aakit na ginawa ko sa aking boss. Napapaisip tuloy ako kung lalaki ba talaga siya or what?! Hindi ko naman maiwasan na hindi mapatingin sa kinaroroonan ng room niya habang nakatayo ako sa tapat ng pinto ng room ko. Ano'ng klaseng pahinga naman kaya ang ginagawa niya ngayon?! Natulog kaya siya ulit, nanonood ng tv, or nakahiga lang. Napailing iling naman ako, at bakit pati ba naman kung ano'ng klaseng pahinga ang ginaga

