Hunter's POV Hindi ko na napigilan ang aking sarili at napasali na ko sa usapan nilang tatlo. "Ano ba talaga?" Tanong ko dahil ang simpleng yes or no lamang ay hindi pa magtugma ang sinasabi ni Jean Grey at ni Jared. Stupid lang ang makakapagsabing wala silang naging relasyon dati dahil sa reaksyon nilang dalawa. Hindi ko naman malaman dito kay Rebecca kung bakit nagtatanong pa eh narinig nanam niya ang sinabi ng Tita Julie, nagkaroon pa tuloy ng tension dito. Habang hinihintay namin ni Rebecca ang sagot nilang dalawa ay bigla ko naman naramdaman na may humawak sa balikat ko. Nang lingunin ko kung sino ay si Tita Julie pala 'yun at hindi lang ako ang hinawakan niya, ang isang kamay niya ay nakahawak naman kay Rebecca, pinagitnaan niya kaming dalawa habang siya ay nakatayo. "Pasensiya

