Hunter's POV Pinaunlakan ko ang kahilingan ng babae na magpa-picture sa akin pero para mas kapani-paniwala na talagang couple kami ni Jean Grey ay umakto ako na kailangan ko munang magpaalam sa kanya out of respect. "My baby angel okay lang ba na magpa-picture muna ako saglit sa FRIEND mo?" Ang malambing sambit ko sa kanya pero hindi niya ko iniimik at nakatitig lang siya sa pagmumukha ko. Napaisip tuloy ako kung may dumi ba kong kailangan tanggalin or sadyang na-starstruck lang siya sa taglay kong kagwapuhan. Kung sabagay sabi ko nga sanay na naman ako na laging may nakatingin sa akin dahil nga sa dati ako'ng model/artist at ang hina naman niya pumick-up para hindi maintindihan agad kung ano ba ang pinapalabas ko. This is just a simple acting at tinutulungan ko siya para hindi naman

