Jean Grey's POV Kung hindi ko siya kakausapin ay baka naman magkanda ligaw ligaw pa kami kaya wala ako'ng nagawa kung hindi ang kausapin siya, at ituro ang daan papunta sa bahay ni Tita Joyce. So, evil talaga! May nalalaman pa siyang Republic Act No. 10913 kesyo hindi daw siyang pwedeng mag-cellphone, as if eh wala naman traffic enforcer na manghuhuli sa kanya dito, wala naman kami sa Manila para paandaran niya ko ng kanyang mga nalalaman. Mababait kaya mga tao dito, siya nga lang ata ang demon sa lugar na 'to, ay hindi pala dahil tanging sa akin lang naman siya masama dahil sa paningin ng lahat ng tao dito, lalo na ng mga tita ako ay napakabait, magalang, at maayos siyang lalaki. Bakit ba kasi pinagpipilitan ni Tita Joyce na kaming dalawa pa ang pumunta dito para pakainin si Poochie

