Hunter's POV "Ayaw mo, then fine sasabihin ko na lang sa daddy ko ang mga pagpapahirap at pagsigaw sigaw na ginagawa mo sa akin. I will tell him na tinanggal mo ko dahil natapon ko lang kape mo, and I have a witness. You know Mr. Dizon right?!" Ang nakangisi niyang sambit sa akin. Nawala ang ngisi ko ng marinig ko ang balak niyang gawin kung hindi ako papayag sa kagustuhan niya. Hindi ako makapaniwala na si Jean na mahiyain at tahimik lang tuwing kaharap ko kapag nasa opisina kami ay nakikipaglaban ng titigan sa akin ngayon. Pinapakita niya na talagang seryoso siya sa gusto niyang mangyari pero palaisipan sa akin bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Nakakapagtaka lang talaga na bakit siya nagtitiis magtrabaho sa kumpanya namin gayong napakaraming kumpanyang hawak ang kanyang ama. I

