Jean Grey's POV I'm so fùcking mad at him! Pasalamat nga siya at hindi sinabi ni Jared sa mga tita ko ang panununtok na ginawa niya. Nakalusot ang gawa-gawang dahilan ni Jared kung bakit pumutok ang labi niya, at sobrang nagpapasalamat ako sa ginawa niyang pagtatakip sa kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Kung tutuusin ay pwedeng pwede sabihin ni Jared ang totoo para ipahiya, at sirain ang magandang image niya sa pamilya ko pero hindi niya ginawa which means tinutupad na niya ang pangako niya sa akin na maging magkaibigan na lang kami. And friends do help each other. Alam niyang mahal ko si Hunter kaya hindi niya ito sisiraan kaso nga lang heto namang boss ko ay mukhang ayaw paawat imbes na magpasalamat, at mag-sorry ay gusto pa ata ulit ng gulo. Akala ko pa naman ay improving n

