Jean Grey's POV I am dead serious when I said ayoko ng makita pa siya kahit kailan. Nag-walk out ako sa kanya at nagpasyang pumasok sa loob ng bar ni Tita Jack. Nagtuloy tuloy ako ng lakad sa loob hanggang sa makarating ako may bar counter at pumuwesto ako ng upo roon. Nag-order ako ng iced cold beer, at baka sakaling mabawasan ang init ng ulo ko. Lumingon naman ako paligid ko, hanggang sa may pintuan. Talagang hindi niya ko sinundan?! Mabilis naman na-i-served ang order ko, nag-vibrate ang cellphone ko at ng aking i-check ay text message iyon galing sa driver namin, kasama na niya si Sir Hunter, at kasalukuyan na daw silang papunta ng Airport. Parang nakaramdam na naman ako ng kung ano na namang bagay na parang may tumusok sa heart ko. Grabe umalis na talaga siya?! Pero bakit ba k

