Jean Grey's POV "Ano baby angel pakasal na ba tayo?" Napatunganga na lamang ako sa sinabi niya because what the heck? Why would he say that? Kanina pa nga ako hiyang hiya dito, at sinusubukan kong umakto ng normal pagkatapos ng halikan na naganap sa amin kanina tapos nagsalita pa siya ng ganyan. Napansin ko naman na hindi lang ako ang nabigla dahil pati na si Tita Joyce ay natahimik din naku baka isipin niya na totoo ang sinasabi nito ni Sir Hunter kaya agad ako'ng nagpakawala ng pekeng tawa, sabay hampas sa braso ni Sir Hunter. "Hay naku Tita Joyce huwag kang magpaniwala dito, mapagbiro talaga 'to!" Natawa din naman ng bahagya si Tita Joyce sa sinabi ko. "Hay naku kayong dalawa talaga pero kung sabagay sabi nga nila lahat nagsisimula sa biruan, at sa nakikita ko mukhang kayo na ta

