Jean Grey's POV "How about me?" Malungkot na sabi ni Nealyn kay Sir Hunter. "Heto sa'yo na, hindi kita nabilhan kasi akala ko naglilibot ka pa!" At iniaabot na niya kay Nealyn ang mango shake pero umiling-iling naman ang pinsan kong papansin. Tignan mo ang babaeng 'to, hihingi tapos tatanggi. "How sweet of you pero ayoko ng mango flavor, sige umupo ka na dito, at ako na bibili ng drinks ko!" Sabay tayo niya, at pinandilatan ko siya ng mata because what the heck iiwanan na naman niya kaming dalawa dito eh hindi pa nga nahupa ang inis ko sa lalaking 'yan. "Teka sama ako," Sabi ko pa sabay tayo pero hinawakan niya ang isang balikat ko, at diniinan niya habang sinasabi niya na, "Ano ka ba hindi ka pwedeng umalis, walang tatao dito, kita mo ba wala si Tita Joyce." Napaupo naman ako ulit

