109. Argument

1446 Words

Jean Grey's POV Naalala ko may naka-install pala na CCTV camera sa loob ng opisina ni Daddy at may access ako. Pagkapasok ko sa loob ng aking kwarto ay agad kong kinuha ang aking laptop, binuksan ang takip at ini-on. Halos mapadasal na ko sa aking isipan na mapabilis ang pagbukas nito dahil bawat segundo ay mahalaga at atat na ko mapanood at mapakinggan kung ano man ang pinag-uusapan ni Hunter at ni Daddy. Bumukas na pero ilang saglit lang ay biglang nagdilim ang screen nito at namatay ang power. Grrr! Talaga naman kung kailan naman nagmamadali ako tsaka pa na-low bat. Tumayo ako at dali-dali hinanap ang charger, at kung kailan naman kailangan na kailangan ay hindi ko mahagilap kung saan ko ba nailagay iyon. Aligagang aligaga ako sa paghahanap dito sa buong kwarto at panay ang isip

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD