Chapter 3.

1098 Words
NAIWANG nakatitig si Yvette sa pintuan na nilabasan ng nobyo. Hindi niya maiwasang mapaisip. Naiintindihan niyang concern lang ito dahil pareho silang public figure at gusto lang din nitong masolo siya. Pero hindi niya pa rin maiwasang mag-isip na hindi ito proud na maging nobya siya. Or may mas malalim na dahilan? Imbes na mag-isip pa ay iwinaksi niya ang mga tumatakbo sa isip niya. Tumayo siya at binuksan ang drawer sa bedside table para kunin ang ponytail nang mapansin niya ang isang banig ng tableta. Pinadaan niya ang mga daliri do'n at wala sa sariling napabuntong-hininga siya. It's a birth control pills that she's using for two weeks now. Simula pa lang ng makalimutan ni Alfred na magsuot ng condom sa pagtatalik nila ay nagdesisyon na siyang gumamit ng pills. Pero hindi niya 'yon ipinapaalam dito dahil baka magalit ito. Wala sa plano niya ang magbuntis sa edad niyang bente kuwatro at lalong wala siyang planong iwan ang pagiging artista niya. Lalo na ngayon na namamayagpag siya. Isa pa'y wala pang siguradong plano ang nobyo sa itinatakbo ng relasyon nila. Iniipit niya ang buhok at nagbihis ng isang malaking T-shirt. Isinara niya ang drawer at aalis na sana siya nang biglang tumunog ang cell phone niya. Dinampot niya 'yon at agad na sinagot nang makita ang pangalan ng pinsan na si Yvone na nakarehistro sa screen. ["Ano? Nasaan ka na? Nandito na kami sa Mike's Bar, at ikaw na lang ang hinihintay namin."] Agad na bungad ni Yvone sa kabilang linya. "Hindi ako makakapunta ngayon. May prior commitment ako ngayon na hindi ko p'wedeng i-turn down," pagdadahilan niya. Walang nakakaalam ni isa sa pamilya niya ng tungkol sa kanila ni Alfred. Alam niyang dapat siyang maging proud na Gobernador ang nobyo niya. Pero hindi niya p'wedeng basta na lang ipangalandakan sa lahat ang relasyon nila. Dahil sa isang mabigat na dahilan. Kaya hangga't maaari gusto niyang maging sikreto ang tungkol sa kanila. Kapag dumating ang tamang oras at pagkakataon ay saka niya sa sasabihin sa buong mundo ang tungkol sa kanila. ["Hay, naku ha?! Ilang gabi ka ng absent. Sa susunod ikaw na ang taya sa gimik natin ha?"] Palatak nito. Girls night out nila ngayong araw ng huwebes pero hindi siya nakasipot dahil sa biglaang pagdating ni Alfred. "Oo na. Sagot ko lahat ng gastos next time. Happy ka na?" Sarkastikon sabi niya. ["Oo! Sige, babush na! Maraming boylet na hunk dito sayang naman at wala ka."] Pang-iinggit pa nito at pinatay na ang tawag. 'Yon ang isa pa sa dahilan kaya ayaw niyang magpatali agad sa nobyo dahil hindi pa niya lubusang nae-enjoy ang pagkadalaga niya. Gusto niyang palawakin pa ang mundo niya at maranasan ang hindi pa niya nararanasan. "The dinner is served, babe..." Narinig niyang tawag ni Alfred mula sa labas kaya naman ibinaba na niya ang cell phone at lumabas ng silid. Tumambad sa kanya ang nakasinding kandila sa gitna ng dining table at nakahanda na sa gitna ang steak na niluto nito. Nakapatay ang ilaw sa dining area at tanging ang liwanag ng kandila ang nagsisilbing liwanag nila. Hindi niya napigilan ang mapangiti dahil sa preparasyon na ginawa nito. Parang nasa isang fine dining restaurant ang ambiance dahil sa ayos na ginawa nito. Lumapit ang lalaki at iniabot ang isang stem ng roses sa kanya. Malugod niya 'yong tinanggap at sinamyo. Sunod naman siya nitong ipinaghila ng upuan at inalalayan siyang maupo. "I cook your favorite medium rare steak," nakangiting saad nito at pumwesto na sa silyang nasa harapan niya. Binuksan nito ang wine at nagsalin sa wine glass nilang dalawa saka nito dinala 'yon sa ilong nito para samyuin at pagdaka ay ininom 'yon habang hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa kanya. Inilapag niya sa mesa ang rosas at ginaya ang ginawa nito. Matapos 'yon ay tahimik silang nagsimulang kumain. Panaka-naka ay sumusulyap sila sa isa't isa pero wala naman nagtatangkang magsalita. Ayaw kasi nito na nag-uusap sa pagitan ng pagkain. Mayaman ang pinanggalingang pamilya ng lalaki at bawat henerasyon ang pagpapasa ng posisyon sa politika. Alam niyang tuwid na pamamahala ang pinatutupad ng pamilya Leviste kaya patuloy ang pamamayagpag ng mga ito sa politika. Ang ama nito ay Congressman at ang ina nito ay mayor. Ang mga kapatid naman nito ay may kanya-kanyang tungkulin na ginagampanan sa bayan nila. Pero ni isa sa kapamilya nito ay wala pa siyang nakikilala ng personal o nakakausap man lang sa telepono. Ayaw niyang magtanong ng kahit ano tungkol sa pamilya nito dahil gusto niyang manggaling mismo dito ang kwento. Pero mukhang wala itong balak na magkwento tungkol sa personal nitong buhay. Samantalang ang buhay niya ay ilang ulit na yata niyang naisalaysay dito dahil ayaw niyang magtago ng sikreto dito at gusto niya itong papasukin sa buhay niya. Maraming hindi naiintindihan si Yvette patungkol sa lalaking minamahal niya. Pero pakiramdam niya ay wala siya sa tamang posisyon para mag-usisa at magtanong dito. Nasa getting-to-know each other stage pa rin sila ng relasyon nila at sa tingin naman niya marami pang pagkakataon para malaman niya ang tungkol sa personal nitong buhay. Matapos kumain ay binuksan ni Alfred ang stereo at pumailanlang ang isang magandang musika. Tiningnan niya lang ang nobyo nang tumayo ito at lumapit sa kanya. Hindi na siya nagtaka nang ilahad nito ang palad sa kanya. "Maaari ba kitang isayaw, Binibini?" Tanong nito sa baritonong tinig. Hindi na siya nagdalawang isip at tinanggap ang palad nito. Inilagay nito ang kamay niya sa balikat nito at hinapit siya sa baywang. Matapos 'yon ay sinabayan nila ang marahang saliw ng musika. Ito ang isa sa katangian ng lalaki na nagustuhan niya. Romantiko ito at wari'y alam ang lahat ng kahinaan niya. Alam nito kung saan ang tamang kiliti niya. "I love you, MyF," bulong niya sa tainga nito at dinampian ng halik ang pisngi nito. Hinihintay niya ang sagot nito pero wala siyang narinig. Naramdaman na lang niya ang paghigpit ng kapit nito sa katawan niya at dumako ang labi nito sa labi niya. Marubdob at buong kasabikan niyang tinugon ang mga halik nito habang ang mga kamay nito ay malayang naglalandas sa buong katawan niya. Ipinulupot niya ang mga braso sa batok nito nang lalo nitong palalimin ang halik at binuhat nito ang mga hita niya. Bumaba ang halik nito sa leeg niya at dinala siya nito sa ibabaw ng kitchen island. Hinubad na niya ang natitirang saplot at buong paghanga 'yong tinitigan ni Alfred. "I love you too, Ivy," saad nito at muli nilang pinagsaluhan ang magdamag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD