Chapter 2

880 Words
Five years ago... ISANG DAANG piso ang hawak-hawak kong pera at hindi ko alam kung paano ito pagkakasyahin ngayong isang araw sa school. Dapat ay magkasya ito sa isang buong araw, kung hindi. Hindi ako makakauwi sa amin. Huminga ako nang malalim habang binabagtas ang tabi ng kalsada papunta sa school. Kung bakit ba naman kasi kailangan kung magtiis nang ganitong kahirap na buhay. Sa public school lang ako nag-aaral. Ang paaralan na nararapat lang sa aming mga mahihirap. At hindi ko maiwasang mainggit sa mga estudyanteng nag-aaral sa private school na katabi lang ng school namin. Ang Nestle University— kung saan ang mga nag-aaral at ang mga estudyanteng pumapasok roon ay may mga sasakyan at may mga pera. Mamahalin ang mga suot at malalaki ang mga bahay. Napangisi ako nang mapait habang sinasariwa ang mga imahe sa aking isipan. Samantalang kami pumapasok sa maliit na paaralang Talon-talon School. Pati ang name hindi pa pinasosyal. Papaliko na sana ako sa isang bangketa nang bigla na lamang may humila sa akin at isinama niya ako sa kanyang pagtakbo. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga kababaihang nagsitakbuhan sa aming dinaanan. Isama pa ang mga bakla at may ilang kalalakihan. Tiningnan ko ang lalaking hila-hila ako. Pero hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin at seryosong nakatingin sa kalsada. “Hoy! Sino ka?! Bitiwan mo ako!” Rinig na rinig ko ang sigawan ng mga kababaihan sa aking likuran. Kumunot ang aking noo. Sino ba ang lalaking itong hawak-hawak ako? Bakit siya hinahabol ng mga kababaihan at mga bakla? Isa ba itong celebrity? o, kaya may nagawa itong kasalanan kung kaya't hinahabol siya? Pero bakit baliktad yata ang nakikita ko. Lumiko sa may isang side walk ang lalaking hila ako. Kaya't napatili akong napasunod sa kanya. Talagang hindi ako bibitiwan?! Mas binilisan pa niya ang takbo kaya't siguro hindi na rin nakahabol sa amin ang mga kababaihang nakasunod sa amin kanina. Hingal na hingal kaming dalawa na tumigil sa isang bangketa sa may sulok. Medyo tago na rin rito. Agad ko siyang sinuntok sa mukha. Dahilan para sumadsad siya sa lupa. Narinig ko siyang napamura. “What the f**k?!” Pinagmasdan ko ang itsura nito. At napasinghap ako sa kagwapuhang taglay nito. Mahaba ang pilik-mata, mapupula ang labi, matangos ang ilong at maputi. Gwapo nga, mukhang artistahin ang dating. Ngayon, alam ko na kung bakit siya hinahabol ng mga kababaihan at kabaklaang iyon. Isa ngang natatanging celebrity ang kaharap ko. Nakita kong dumugo ang gilid ng labi nito dahil sa suntok ko. Tumayo ito at nanlilisik ang mga matang bumaling sa akin. “Are you a woman, or a man? Why you hit me?!” inis na tanong nito sa akin. Ngumisi ako. “That is for snatching me without permission. At dahil sa iyo, late na ako sa first subject ko! At dahil sa iyo, maglalakad uliy ako!” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Paa hanggang ulo. Kinikilatis ako nito. At nakita ko ang gulat sa mga mata nito nang makita sigurong magkaiba kami ng uniporme. “s**t! I am sorry, akala ko schoolmate kita. Humaharang ka kasi sa daan ko kanina. Kaya no choice, hinigit na kita at isinama sa pagtakbo. I am really sorry.” Tumaas ang kilay ko saka ko siya inismiran. “Sa susunod, huwag kang manghihila na lamang basta! Kainis naman!” Inayos ko na ang sarili ko saka ko siya tinalikuran. Pero napatigil ako nang sumunod siya sa akin. Nilingon ko siya. “Diyan ka lang! Huwag kang susunod!” Sa halip na pansinin ako ay nauna siyang lumakad sa akin. Umusok bigla ang ilong ko. Hindi lang pala basta, pakundangan. Isa rin palang antipatiko! “Doon ka pala sa katabing school namin nag-aaral?” sa halip na tanong niya sa akin. “Hindi ba obvios?” pilosopa ko ring balik tanong sa kanya. Tumigil siya sa paglakad dahilan para mabangga ang mukha ko sa likuran niya. Shit! Mukha yatang nabali ang buto sa ilong ko. “Stop following me, miss.” Magsasalita na sana ako nang magsalita ulit siya. “By the way, my name is Enfakid Monteneille. And from now on, Miss Milkita Salazar, you are mine.” Napanganga ako. “Ano?! Paano mo nalaman ang pangalan ko?” Lumingon siya sa akin dahilan para umatras ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. “Isn't obvious?” Napasunod ang tingin ko sa tinitingnan niya. Nakatingin siya sa ID ko. Sa inis ko, tinadyakan ko ang paa niya dahilan para tumalon-talo siya sa sakit. Hindi pa ako nakuntento sinuktok ko siya sa sikmura niya. “Para sa pagsira mo ng araw ko. Para na rin sa paglalakd ko ulit ng ilang metro.” Iniwan ko siya na puno ng mura. Hindi pa ako nakuntento tinawag ko pa ang mga kababaihan na papunta na sana sa ibang direksyon. “Hinahanap niyo ba ang lalaking iyon? Ayon siya, oh!” Tawang-tawa ako nang makita ang lalaki na paimpa-impang tumakbo sa isang eskeneta. “Damn you, woman!” sigaw niya sa akin. Ngumisi ako at umiling. “Hindi mo ko mapapabilang sa mga babaeng patay na patay sa iyo, Mr. Enfakid Monteneille.” Napahinga ako nang malali, nang makita ang daang pagkahaba-haba. Babagtas na naman ako ng ilang metro. Patay na ako nito, late na naman. Di bale, at nakaganti rin naman ako. Kayâ ayos lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD