Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko. Tch. Ang ingay nila, parang walang natutulog na iba.
"Uy! Handa na ba?"
"Shhh, 'wag kayong maingay!"
"'Ngina, 'asan na ang pinapahanap ko sa 'yo, Mardel?"
Napailing na lang ako sa kaingayan nila. Binuksan ko ang pinto kaya nanlaki ang mga mata nila.
"Surprise..? Hehe."
Surprise? Anong meron? Kumunot ang noo ko at binasa ang nakasulat sa cake na bitbit ni Axel. It says, Happy Birthday, Our Princess.
Nanlaki ang mga mata ko. Woah, it's my birthday? Okay, nakalimutan ko 'ata. Hahaha.
"Naku! Hulaan ko. Nakalimutan mo na ang birthday mo, 'no?"
Hindi ako umimik at ngumiti na lang sa kanila.
"Happy birthday, Veronica Clare Dellvega-Jung!"
"Full name pa talaga ha," natawa ako. "Thank you."
I'm so lucky to have them.
"Hahaha, buti na lang naalala niyo na birthday ko."
Ngumiti sila at sinabi ang mga katagang nagpakompleto ng araw ko.
"Oo naman. You are our princess. And you'll be our princess until the end."
Awe, sweet. I'm Veronica Clare Dellvega-Jung, and I'm their princess.
***
A/N: This is my first Teen Fiction story. Don't expect too much. If plot, scenes, or etc. is familiar, it's just a coincidence. This story came from the author's imagination. PLAGIARISM IS A CRIME.
Inspired by maxinejiji's He's Into Her.