William Pov
Nakauwi na ako sa bahay galing sa bahay ni Samantha.Hindi na ako nag aalmusal,naligo na agad ako at nagbihis dahil malapit na 8 a.m at kailangan ko pa pumunta sa opisina.
7:30 na nung nakaalis ako sa bahay papunta sa opisina.
Pagkarating ko sa opisina daming bumabati ng good morning pero hindi ko na sila pinapansin.Dumiretso na ako sa loob ng opisina at umupo para kausapin ang assistant manager ko.
Mia tawagin mo nga si Jake, aniya ko sa secretary kung si Mia para tawagin yung assistant manager ko.
Ok sir sagot ni Mia.
Hi sir, aniya pa ni Jake na di ko namamalayan nakapasok na pala sa office ko.
Oh Jake kumusta na itong kompanya natin wala bang problema?
Wala naman po sir, maayos naman po ang pamamalakad ko sa kompanya mo.Sinunod ko po lahat ng mga inuutos niyo po sakin sir.
Oo nga pala sir kumusta pala ang leave niyo, mga ilang araw din kayong wala dito sa office ah.Baka may ibang pinagkakaabalahan na kayo ngayon sir or baka may nakita na kayong babae na nagpapatibok ng iyong puso.
Naku Jake sobrang daldal muna,lumabas ka na nga at magtrabaho ka na, aniya pa ni William.
Sorry po sir.
Tuluyan na ngang lumabas si Jake at bigla namang lumapit sakin ang secretary kung si Mia.
Sir may naghahanap po sa inyo, si Mr.Ramirez po. Papasukin ko na po ba sa opisina niyo?
Sige papasukin mo Mia.
Hello Mr.Anderson how are you? Long time no see. You're seem too busy for how many days Mr.Anderson.
Yes because I need also to rest myself.
Mr.Ramirez ano pala ang kailangan mo at bigla kang pumarito sa opisina ko.
Yung inoofer ko po sa inyo Mr.Anderson gusto ko po sanang makipagbusiness partner sayo, kung okay lang sayo, magbibigay po ako kunting share sa kompanya niyo kung sakaling tatanggapin niyo po ang alok ko, aniya pa ni Mr.Ramirez
Pag-iisipan ko Mr.Ramirez
Sige Mr.Anderson at sana pumayag ka sa inaalok ko sayo at tuluyan ng nagpaalam si Mr.Ramirez at lumabas na sa opisina ko.
Pinag isipan ko ang sinasabi ni Mr.Ramirez, hindi lang ngayon pumunta si Mr.Ramirez sa opisina ko, ilang beses na itong pabalikbalik sa kompanya para makipag businesspartner sa akin ngunit ako'y nagdadalawang isip sa offer ni Mr.Ramirez dahil sa hitsura pa lang ni Mr.Ramirez parang may ibang binabalak.
Hindi ko na muna iisipin yun.Dagdag lang sakit sa ulo ang offer ni Mr.Ramirez
Kumusta na kaya si Sam. Wala man lang akong natanggap na text galing sa dalaga baka nagtatampo na to sakin dahil hindi man lang ako tumatawag sa dalaga para kumustahin ito ngayon. Dahil sa sobrang busy nakalimutan ko ng kumustahin ang dalaga.
Tatawagan ko na lang ang dalaga at sinagot naman ito ng dalaga wala pang dalawang minuto.
Hi Sam kumusta ka na? Hindi ka ba busy ngayon?
Nasa tindahan ako nagtitinda aniya pa ni Sam sa kabilang linya. Ikaw kumusta ang unang araw ng trabaho mo sa hardware?
Okay lang naman ang first day ng trabaho ko Sam medyo busy nga lang. Medyo busy kaya baka next week na siguro tayo magkikita pag day off ko Sam. Sige Wil mag usap na lang tayo dito sa cellphone pero sabik na sabik na akong makita ka Wil.
Someone's Pov
Nagtatrabaho ako sa kompanya ng mga Ramirez at isa ako sa inutusan ni Mr. Ramirez na bantayan ang bawat galaw ni Mr.Anderson,
Si Mr.Ramirez ay sobrang galit na galit sa pamilyang Anderson dahil sa lagi nalang ang pamilyang Anderson ang may magandang record tungkol sa business. Kaya lubos ang galit ni Mr.Ramirez.
Ako mismo ang nagrereport kay Mr.Ramirez kung ano ang nangyayari sa kompanya ni Mr.Anderson.
Na assign ako sa admin office at hindi nila alam na isa ako sa utusan sa kalaban ni Mr. Anderson.
Ngayon nagmamatyag ako sa mga galaw ni Mr.Anderson, ngayon may kausap siya sa cellphone at tila may kausap siya.
Kaya tinatawagan ko na muna si Mr.Ramirez habang nasa labas na ako ng opisina.
Mr.Ramirez e rereport ko lang po sana ang ginagawa ni Mr.Anderson dito sa kompanya niya.
May kausap po siya at halatang masayang masaya siya sa kausap niya Sir.
Sige balitaan mo pa ako kung ano ang bawat galaw at kilos ni Mr.Anderson.
Wala ba siyang ka meeting Gio?
Wala po siguro kasi nasa loob lang siya ng opisina ngayon.
Sige good Gio ayusin mo ang trabaho mo diyan. Siguraduhin mo lang na hindi ka mahahalata ni Mr.Anderson na nagmamatyag ka sa bawat galaw niya.
Yes po sir, mag-iingat po ako. Siguraduhin mo lang Gio Falcon!
Pagkatapos ng mahabang pag uusap namin ni Mr.Ramirez ini-off ko na yung tawag at bumalik ulit ako sa upuan ko.
Samantha Pov
Busy ako ngayon sa pagtitinda sa gulayan ng bigla kung iniisip ang gwapong hitsura ng lalaking hindi ko akalain na minahal ko ng totoo kahit di ko pa ito gaanong kakilala.Pero bakit hindi ata nag text or tumawag man lang ang lalaking yun pagkatapos ng nangyayari sa amin kinakalimutan na ako.Tanghali na pero wala pa rin akong natatanggap na text or tawag man lang na galing sa lalake, sabik na sabik na akong makausap at makita siya sa ulit.
Nang biglang nag ring ang cellphone ko na nasa loob ng bulsa ko.
Sana naman si Wil ang tumatawag,aniya pa sa isip ng dalaga.
William calling ??
Biglang lumundag ang puso ng dalaga ng nakita niya ang pangalan ni William sa cellphone nito at dali dali niya itong sinagot ang tawag ng binata.
Hi Wil. Nasa tindahan ako ngayon nagtitinda. Ikaw kumusta naman ang unang araw ng trabaho mo sa hardware? Okay lang naman ang first day ng trabaho ko Sam medyo busy nga lang, aniya pa ni Wil sa kabilang linya na sanhi ng pagbabago ng aking magandang ngiti sa mga labi ko.
Medyo busy kaya baka next week na siguro tayo magkikita pag day off ko Sam. Sige Wil mag usap na lang tayo dito sa cellphone pero sabik na sabik na akong makita ka Wil. At tuluyan na ngang nawala sa kabilang linya si Wil siguro busy na ito kaya hindi nagtagal ang pag uusap naming dalawa.
Tumamlay ako bigla ng sinabi ng binata na next week na ulit kami magkikita at napansin iyon ng katabi ko na nagtitinda din ng mga gulay si Trishia. Si Trishia ay naging ka close ko na din kaya kilalang-kilala na niya ako.
O, Sam bakit ang lungkot-lungkot mo ngayon? May problema ba?
Wala akong problema Trish, may inaalala lang ako.
Sino naman yung lalaking laging pumupunta dito noon? Naku hindi ko iniisip yun.
Hindi ah.Ano ka ba"
Eh ano ba kasi ang pinoproblema mo, nawawala tuloy ang ganda mo.
Iniisip ko lang kung buhay pa sana si tatay eh di sana magkasama kami ngayon, namamasyal na siguro kami kahit saan.Kaso maaga siyang kinuha sakin noong 7 years old pa lang ako,at hindi ko na din nakita ang nanay ko, kaya ako nalang nagtataguyod sa sarili ko ngayon.25 years old na ako at itinataguyod ko ang sarili ko na mag-isa. Kaya malungkot ako ngayon.Satisfied ka ba sa sagot ko kung bakit ako malungkot ngayon Trish?
Okay Sam, naiintindihan kita kaya nandito lang ako lagi sa tabi mo para maging karamay mo lagi. Salamat Trish.
Uuwi na ako maya.maya Trish, masama ang pakiramdam ko ngayon total kunti na lang ang gulay na hindi ko nabenta. Okay Sam ingat ka.
Nakauwi na ako sa bahay at napapahinga muna ako sa higaan dahil pagod na pagod ako galing sa pagtitinda. Hindi ko na namalayan nakatulog pala ako.