NAGISING si Caleb na parang binibiyak ang kanyang ulo. Parang sasabog ito sa sakit at sumabay din ang paghilab ng kanyang sikmura. Kahit ayaw pa sana niyang bumangon, ngunit napilitan siya dahil parang gusto nang lumabas ang ikinasasa ng kanyang tiyan. Bumangon siya sa kama at nakapikit pa ang isang mata na tumayo at hinanap ang banyo. Alam niyang hindi niya kuwarto ang kinaroroonan niya ngayon, kaya hindi siya familiar sa loob nito. Nasa malapit sa bintana ang nakita niyang pintuan ng banyo, kaya dahan-dahan siyang naglakad patungo roon. Hawak din niya ang kanyang sikmura, dahil sa sama ng pakiramdam nito. Nangangasim ito na humihilab at tila umiikot ang mga laman loob niya. Pagdating ni Caleb sa loob ng banyo ay agad niyang itinapat sa toilet bowl ang kanyang bibig, upang hayaang makal

