MASAYANG nagtrabaho si Caleb, nang araw na iyon, dahil muli na naman niyang nakita si Ella. Lalo din gumaganda si Ella sa paningin niya, kaya lalo din niya itong minamahal ngayon. Kahit sabihin pa na deadma si Ella sa lahat ng ginagawa niya. Pauwi na si Caleb sa kanilang bahay, nang makatanggap siya ng tawag, mula kay Aljoe. "Pare, anong balita?" Bungad niya sa kaibigan. Alam ni Caleb na importante ang itinawag sa kanya ni Aljoe, dahil hindi ito mag-aaksaya ng oras na tawagan siya kung hindi importante. "Pare, dumaan ka sa bahay mamaya. May dapat kang malaman, tungkol kay Ella." Sabi ni Aljoe sa kabilang linya. Agad din nitong ibinaba ang tawag. Mabilis na inayos ni Caleb ang kanyang mga gamit sa ibabaw ng kanyang office desk, upang maka alis na siya kaagad. Malalaki ang hakbang n

