LUMAPAG ANG HELICOPTER na sinasakyan nina Ella at ang kanyang ama sa Cuyo, Palawan. Doon mismo sa tabi ng dagat kung saan nakatira si Ellen Mones. Bigla namang nabulabog ang mga tao sa tabing dagat, dahil sa takot nila sa helicopter na bigla na lang lumapag sa lugar nila. Nakakakita naman ng helicopter ang mga tao roon, ngunit hindi pa sila naka experience na may lumapag mismo sa harapan ng kanilang kabahayan. Pati ang mga bagong daong na bangka ay basta na lang nagsi talunan ang mga lalaking lulan nito at mabilis na nagtago sa loob ng kanilang kubo. Ang mga bata naman ay nag iyakan, dahil sa takot. "Anong nangyayari sa mga tao? Bakit sila nag tatakbuhan?" Nagtatakang tanong ni Ella sa Pilot. "Natakot lang siguro sila, ma'am. Nasa pinaka liblib na lugar na tayo at sa pagkaka alam ko

