FLASHBACK!... "Buntis ka? Paano nangyari yun?" Mataas ang boses na tanong ko kay Carlotta. Matagal na kaming kasal ni Carlotta, ngunit hindi kami p'weding magkaanak, dahil sa kanyang sakit sa puso. Mahal na mahal ko ang asawa ko, kaya ayaw kong magkaroon ng problema ang kanyang kalusugan. Kaya kahit hindi na kami magkaanak ay ayos lang sana sa akin. Ngunit isang araw ay bigla na lang niyang sinabi sa akin na buntis na siya sa aming anak. "Lucas, nandito na ito. Wala na tayong magagawa kun'di tanggapin na magkakaanak na tayo. Kagustuhan ko ang magbuntis, dahil gusto kong maranasan maging isang ina. Alam kong bawal sa akin na magdalang-tao, pero gusto ko pa rin subukan ang kakayahan ko bilang babae na magkaroon ng supling. Mawala man ako sa buhay mo, may anak naman akong maiiwan sa 'yo,

