MATULIN na pinatakbo ni Caleb ang kanyang kotse, upang maabutan niya ang sasakyan nina Ella. Hinampas din niya ng malakas ang kanyang manebela, dahil sa inis niya sa traffic. Ilang minuto rin siyang nag hintay sa kalsada, dahil sa tagal umusad ng mga sasakyan. Pagka lampas ni Caleb sa lugar na iyon ay mas binilisan pa niya ang kanyang takbo, upang maabutan niya sina Ella. Malapit na siya sa Exclusive Subdivision nang matanaw niya ang Limousine ni Ella. Dumistansya muna siya, upang hindi siya mapansin ng driver. Kailangan niyang masundan ito ngayon, dahil gusto niyang makausap si Ella. Hindi na rin siya makahintay na makikita niya ang babae kinabukasan. Araw-araw kasi niyang inaabangan si Ella sa labas ng Company nito, upang makita lamang niya ang napaka gandang mukha ng babaeng minamahal.

