"Ikinalulungkot kong marinig ang nangyari sa kapatid mo, miss Mones." Bakas ang lungkot na wika ni Mayor. "Ano bang nangyari sa kapatid mo, nagkasakit ba siya? Ano ang ikimat*y niya?" Tanong pa ni Mayor. "Leukemia po, Mayor." Agad na sagot ni Ellen. Mababakas din sa kanyang mukha ang lungkot, dahil sa pagkawala ng isang mahal nito sa buhay. Hindi rin nito napigilan ang hindi mapaluha, dahil sa sakit na kanyang dinadala. "Magandang hapon, ate Ellen, nakikiramay ako sa pagkamatay ng isa mong kapatid." Wika ni Caleb. Lumabas na rin siya sa pinagkukoblehan niyang mga dahon, upang kausapin ang ate ni Ella. "M-Mr, Chavez?" Halos pabulong na sambit ni Ellen. Nanlalaki din ang kanyang mga mata, dahil sa pagkabigla na makita si Caleb sa kanilang lugar. Inikot rin niya ang kanyang paningin at

