MAGMULA nang palayasin ni Caleb si Ella sa kanilang mansion ay naging mesirable din ang kanyang buhay. Wala siyang ibang ginawa, kun'di mag-inom ng mag-inom. Lagi din itong nagbabasag ng mga gamit nila sa mansion, kapag may sumusuway sa kanya. Parang wala siyang nakikilalang tao kapag lasing na siya at ang tanging alam lamang niya ay ang sakit ng kanyang kalooban. Kahit pinagsasabihan siya ng kanyang ama at ni Maricel ay hindi naman ito nakikinig sa kanila. Hindi na rin siya pumapasok sa kanyang opisina at nagku-kulong lang ito sa kanyang kuwarto. Hirap din silang pakainin ito, kahit dalhan pa ni Maricel ng pagkain si Caleb sa loob ng kanyang kuwarto ay hindi naman niya ito gagalawin. Madalas din itong umiiyak at yakap-yakap ang mga damit ni Ella. Halos lahat ng gamit ni Ella sa loob ng

