KITANG-KITA ko ang pagkunot ng noo ni Aljoe, dahil sa mga narinig niyang sinabi ko tungkol kay Ella. Pati si Bhella ay napa awang din ng kanyang bibig, dahil sa aking sinabi. Limang taon na rin ang nakakaraan, mula nang pagbintangan at palayasin ko si Ella sa mansion. Ngunit hindi ko kailanman nakalimutan ang bawat detalye ng kanyang katawan. Ang mukha niyang maamo at innocente. Ang matangos niyang ilong na kay sarap pisilin, ang mga mata niyang nangungusap kapag tumitig at ang makapal niyang buhok. Ang mga nunal niya sa katawan ay kabisado ko rin hanggang ngayon kung saan sila makikita. At ang malaki at nag-iisa niyang nunal sa kanyang dibdib ay hindi ko kailanman makakalimutan.... FLASHBACK... NAGISING ako na mahigpit na nakayakap kay Ella. Himbing na himbing pa rin ang asawa ko. Pa

