"Ano ba! Lumayo ka nga sa 'kin." Na i-inis na wika ni Ella. Hindi kasi siya makagalaw, dahil sa higpit ng pagkakayakap sa kanya ni Caleb. Naka dantay din ang malaking paa ng lalaki sa kanyang mga paa, kaya lalo siyang hindi maka kilos. "Matulog ka lang hon, hayaan mo nang yakapin kita ng mahigpit. Miss na miss kasi kita, kaya gusto kong yakapin ka magdamag." Sagot ni Caleb. Isiniksik din niya ang kanyang mukha sa leeg ni Ella at hinalikan pa niya ito ng bahagya. "Masasaktan ka lang, kapag hindi ka umalis dyan." Pagbabanta naman ni Ella. Lalong kumulo ang dugo niya, dahil sa hindi pagsunod sa kanya ni Caleb. Lalo din itong nagsumiksik sa katawan niya, kaya tuluyan na siyang hindi naka galaw "Baka ikaw ang masaktan, hon, kung hindi ka tumigil. Nagwawala na ang buddy ko sa kakagalaw mo. Ba

