UNTI-UNTING NAGKAMALAY si Ella. Bigla din sumakit ang kanyang ulo dahil sa gamot na ipina-amoy sa kanya. Iminulat niya ang kanyang mata at na-aninag niya ang mga taong nakatayo sa kanyang harapan. Sinubukan na kumilos ni Ella, pero hindi siya makagalaw sa kanyang kinau-upuan. Nakatali ang kanyang mga kamay na nasa likod niya at may naka paikot din na lubid sa kanyang katawan. Pati ang dalawang paa niya ay mahigpit din na nakatali sa magkabilang paa ng upuan. "Huh! Help, help! Pakawalan niyo ako dito! Heeeelp!" Malalakas na sigaw ni Ella. Sinubukan din niyang kalagan ang sarili, ngunit hindi niya magawa. Napakahigpit ng pagkakatali sa kanya, kaya nasasaktan lang siya sa pagpupumillit niyang makawala. "Gising na pala ang babaeng hampas lupa!?" Napa angat ang paningin ni Ella, dahil s

