NAKATANAW si Ella sa labas ng bintana. Kaliligo lang niya at naghihintay sa make-up artist na mag-aayos sa kanya. Ngayon ang araw ng kasal nila ni Caleb. 2 pm pa ang kasal, pero ang kaba sa kanyang dibdib ay tila hindi na matapos-tapos. Habang papalapit kasi ang oras ng kasal ay lalo naman siyang kinakabahan. Pakiramdam din niya ay may tumutus*k sa kanyang puw*tan, dahil sa sobrang excitement. Na-miss na rin niya si Caleb, dahil dalawang araw na niya itong hindi nakikita at nakakasama. Bawal daw kasi na magkita silang dalawa bago ikasal. Dapat ay sa simbahan na sila magkikita nito, saka sila tutuloy sa kanilang Honeymoon pagkatapos ng Reception. "Ella, kumain ka muna, bago dumating ang mga mag-aayos sa 'yo. Bawal kang magutoman, dahil magugutom din pati ang baby sa iyong tiyan." Napali

