"Hon, walang Ambulance dyan!" Pagtawag ni Ella sa asawa. Nakangiwi na rin siya, dahil sa sakit ng kanyang tiyan. Parang hinihiwa ang kanyang puson sa hapdi at ang balakang naman niya ay tila maghihiwalay na sa sakit, patungo sa kanyang likod. Hindi na rin niya alam kung saan siya hahawak, dahil sa daming masakit na nararamdaman niya. Sabay-sabay din kung sumakit ito, kaya hindi na siya gumalaw sa kanyang higaan. "Huh! Oh, yeah! You're right!" Sagot ni Caleb saka muling tumakbo, patungo sa sliding door palabas sa terrace ng kuwarto nila, saka muling sumigaw ng malakas. "AMBULAAAAAAACE! AMBULAAAAAANCE!.. AM-BU-LAAAAAAANCE!...." Muling sigaw ni Caleb, pagkabukas niya sa sliding door. Tinatawag niya ang Abulance mula sa kanilang Terrace. Nasapo ni Ella ang kanyang ulo, dahil sa asawa. Paran

