ELLA'S POV........ ****** Hindi ko inaasahan na isasampal ni Caleb sa mukha ko ang hawak niyang envelope. Napakalakas ng pagkakahampas nito sa mukha ko, kaya napadaing ako sa sakit. "Aaaah!" Malakas na daing ko. Sobrang sakit nang pagdapo ng envelope na isinampal niya sa mukha ko. Pakiramdam ko ay para akong nahilo, dahil sa lakas nito. Bigla din akong napahawak sa ulo ko, dahil sa biglang pag-ikot ng paningin ko. Unti-unti rin akong napaupo sa sahig, dahil biglang nagdilim ang paningin ko. Mabuti na lang at nakahawak ako sa pantalon ni Caleb, kaya hindi ako natumba. Ngunit bigla din akong napabitaw, dahil sa nakita kong nagkalat na pictures sa sahig. Nanginginig ang kamay kong dinampot ang mga ito at tinitigan. Nagimbal ako sa aking nakita sa larawan. Hindi ako maaring magkamali sa

