PAGDATING nila Ella at Caleb sa Mansion ay patakbong pumasok sa loob si Ella. Sumunod naman sa kanya si Caleb sa taas, habang buhat nito ang kanyang maleta. Talagang sinigurado niyang hindi siya ma u-ubusan ng damit, para hindi na rin siya laging umuuwi sa umaga, para mag palit lang ng kanyang damit bago pumasok sa opisina. Pinayagan din naman siya ng ama ni Ella na dito na siya tumira, upang makasam nito ang mag-ina, kaya kinuha na niya lahat ng kailangan niya at inilagay sa malaking maleta. Pagdating niya sa taas ay deretso siya sa kuwarto ni Aaliyah, upang doon muna niya dalhin ang kanyang mga gamit. Ayaw din niya na sa mismong kuwarto na ito ni Ella dalhin, dahil hindi pa sila magkaayos na dalawa. At ang isa pang iniisip niya ay hindi naman si pangalan ni Ella ang pangalan sa marriag

