ARAW NG LINGO. Masayang namamasyal sina Caleb, Ella, at Aaliyah sa isang Amusement Park. Hiniling kasi ni Aaliyah na ipasyal siya ng mga magulang, kaya pinagbigyan naman nila ito. Tuwang-tuwa si Aaliyah, dahil sa mga Rides na sinasakyan nilang mag-anak. Pati sa giant Ferris Wheel ay isinakay din nila ang bata. "Daddy, can we ride the roller coaster? I want to try it, it looks like so much fun. Everyone riding it is screaming so loud." Excited na tanong ni Aaliyah sa ama. Kakababa pa lang nila sa sinakyan nilang Ride ay gusto na naman nitong sumakay ulit. "No, honey. The roller coaster is not for kids. We can ride it when you’re older." Sagot ni Caleb. Lumuhod din siya sa harapan ni Aaliyah at kinausap niya ng malumanay ang bata. "Let’s just get some ice cream with mommy. They also ha

