"Oh-my-god!" Bulalas ni Jana, dahil sa nakita niya sa loob ng kuwarto ni Caleb. Nanlalaki din ang mga mata niya, dahil sa kanyang nakitang kalat sa loob. "Ate Maricel, may bagyo ba?" Nagtatakang tanong niya kay Maricel na abala sa pag-aayos sa katawan ni Caleb para mabuhat nila ito ng maayos. "Meron siguro. Sa lakas ng hangin at ulan sa labas, hindi na nakakapagtakang may bagyo na naman na kakaharapin ang bansa. Hay, kawawa naman ang mga dating nabaha, noong nakaraang baha. Siguradong sila na naman ang unang-unang ma-a-apektuhan ngayon kung mayroon na namang nakapasok na bagyo." Mahabang tugon ni Maricel sa dalaga. "Kaya pala binagyo ang kuwarto ni sir Caleb. Parang dinaanan ng signal number 5. Pumasok ang bagyo dito, ate Maricel." Wika ni Jana. Hindi pa rin siya gumalaw at halos hindi

