Hindi makapagconcentrate sa kanyang ginagawa si Kristel. Hindi niya mawari ang nararamdaman. Mahapdi ang kanyang sikmura at parang nais niyang maduwal. May dalawang linggo na rin niyang nararanasan ang ganitong morning sickness. Naisip niyang baka dahil ng ulcer niya kaya sinisikmura siya. Wala pa naman si Tifanny ngayong araw na ito. Nang hindi makatiis ay nagmamadaling pumasok siya sa Girls Comfort Room na malapit sa kanyang kinatatayuan kanina.
Naiiyak na naisip ni Kristel si Gunner habang inilalabas ang mga kinain kanina. Maya maya lang ay magsisimula na ang klase nila. Paano pa siya papasok sa kalagayan niyang ito? Nanghihina siyang napapikit at napasandal sa dingding ng kinaroroonang comfort room.
"Hey.. how do you feel?" nag - aalalang mukha ni Ronan ang tumambad sa kanya pagbukas ng kanyang mga mata. Nakasandal ito sa hamba ng pinto ng comfort room. "I'm sorry if I butt in. I just want to make sure you're doing fine."
"Don't worry. I'm fine. I can handle this." kaila niya sa binata kahit ang totoo'y nanghihina ang kanyang mga tuhod at kalamnan.
Umiling - iling ito. Mabilis itong lumapit upang akayin siya. "I don't think so. Let me help you."
Mataman siyang tumingin dito bago mahinang tumango upang sumang - ayon. Sa palagay niya ay kailangan niya talaga ng kasama. Parang anytime ay babagsak na siya. Hinayaan niyang akayin siya nang binata hanggang sa makalabas sila ng unibersidad.
***************
Natameme lang siya sa naging findings ng doktor na tumingin sa kanya sa pinagdalhan s kanyang hospital ni Ronan. Si Dr. Wesley Baltimore.
"Congratulations to both of you Mr. & Mrs. Filan!" nagkamali pa ng interpretation ang doktor bago muling bumaling sa kanya ng tingin "You're nine weeks pregnant." nakangiting sabi nito. Bagaman may karismang taglay ay hindi niya ito mapagtuunan ng pansin dahil sa mga alalahaning dulot ng ibinalita nito sa kanya.
Halos manlumo siya sa narinig. Not that she doesn't want a child, of course, she consider it as a blessing. Hindi lang niya mapigilang mapaiyak sa harap ng doktor. Naramdaman niya ang palad ni Ronan na humahaplos sa kanyang likuran.
Pilit ang ngiting nagpasalamat siya. Gayundin si Ronan. "We better go. Thanks Doc for your help. " Paalam pa nito. Tinapik pa ito sa balikat ng doktor bago sila tuluyang umalis ng clinic nito.
Samu't saring bagay ang nagsalimbayan sa kanyang magulong isipan.
Nang ganap na makalabas ng ospital ay hinayaan lamang siya ni Ronan na manahimik.Nakikiramdam lamang sa kanya ang binata. Niyaya lamang siya nitong kumain nang mapatapat sila sa isang Resto.
"I think you need to eat. There's a life inside your womb. He needs nutrients and vitamins from your food intakes." paliwanag pa sa kanya ng binata.
Malungkot na ngumiti siya dito. Kahit hindi naman sila close ay nararamdaman niya ang concern nito sa kanya. "Thanks. You're so nice."
Nakangiting kumibit - balikat lang ito sa kanya bago siya inakay papasok sa nasabing Resto.
*******************
She could feel curious stares from Ronan. Maybe he wants to ask ngunit nag - aalangan lamang ito. But she's not in the mood to entertain queries from anyone. Pinagsama samang inis sa sarili, disappointment at takot sa mga magulang once makarating sa kanila ang balita ang nararamdaman niya ngayon. She's here to start anew. And now this? Her family will surely get mad at her.
Ronan handed her the menu list. Pero hinayaan na lang niya na ito ang pumili ng mga pagkain. When the food was served on the table, she suddenly feels hungry. Mukhang madaming inorder si Ronan. Hindi niya maimagine ang ganito kadaming orders kung para sa kanilang dalawa lang.
"Enjoy your meal, mam and sir." anang waiter at agad na itong umalis.
Amused na nakataingin sa kanya si Ronan. "You seemed amazed. Those are not limited to two but for three."
Kumunot ang kanyang noo sa narinig. Luminga pa siya kung may parating silang kasama. Napahalakhak naman sa kanya si Ronan.
Iniusod nito sa harap niya ang pagkain niya. "You and the baby must eat now. Eat so your baby could have the nutrients that he needs."
Thankful naman siya sa concern ng binata. Hindi naman sila close pero bukal sa loob na tinulungan siya nito.
************
Kasalukuyang nanonood sa isang project presentation si Gunner nang magregister sa screen ng kanyang cellphone ang pangalan ni Clifford. Upang hindi ma miss ang nasabing presentation ay agad na pinatigil ang representative na nagpi present.
"Take your snack. We'll resume after 15 minutes.Geneva, kindly bring a cup of cofee to my office." aniya sa mga ito bago tuluyang lumabas ng conference room.
Mabilis niyang tinungo ang kanyang office bago sinagot ang tawag ni Clifford.
"Did you see the pictures na pinadala ko sa iyo?" Clifford asked him after sending him the photos of Kristel. Mabilis niyang binistahan ang mga larawan. There were pictures of Kristel with an American guy in the university and in a Restaurant. Malinaw sa larawan ang mga titigan ng dalawa sa isa't isa. Sobrang close ng dalawa base sa mga larawan. Wari'y laging nakaalalay at nakahawak ang binata kay Kristel.
Tumango si Gunner kahit hindi naman siya nakikita ng kausap. Now that he saw how happy and contented she is in her life, siguro ay panahon na para kalimutan na rin niya ang nangyari sa kanila sa Paris. Hindi na niya kailangang mag - alala sa kalagayan ng dalaga.
"Boss, heto na po ang inyong hinihinging kape." agad na inilapag ni Geneva ang kanyang kape sa table.
"Thanks." matipid niyang sabi.
Nag - aatubili pang umalis si Geneva.
Agad na umarko ang kanyang kilay sa pagtataka sa inaakto ng kanyang sekretarya.
"Uhmm, Boss.. nasa lobby po si Miss Nina. Hindi daw po siya aalis hangga't hindi nyo kinakausap."
Arggg. The nerve of that woman!
Mariin siyang napapikit at bumuga ng hangin. Maya - maya'y muli siyang bumaling kay Geneva. "Okay, let her in. Kindly tell her hintayin niya ako after ng meeting sa conference room."
Mabilis niyang tinapos ang meeting at agad na binalikan si Nina Ellize. Matagal na siyang nakipaghiwalay dito ngunit hindi nito matanggap. He had to make her realize that they are done with each other.
*******************
Napabuga ng hangin at dumiin ang pagkapikit ni Kristel. Hindi naiwasang inilayo niya ang telepono mula sa tenga. Halos umalingawngaw sa kanyang tenga ang sigaw ng kanyang ama.
"Ulitin mo ang sinabi mo Kristel." This time hindi na ito sumisigaw pero may diin sa bawat salitang binibigkas nito.
Ilang segundo pa bago muling natagpuan ni Kristel ang sariling sinasagot ang tanong ng ama. "Y-yes Dad. I-i'm 9 weeks pregnant." halos ibulong na lamang niya ang huling sinabi.
Kahit hindi kaharap ang ama ay abot - abot ang kanyang kaba. Pakiramdam niya'y any moment ay bibigay siya. Nasa tabi naman niya si Ronan na simula nang malaman ang kanyang kalagayan ay mas napalimit ang pagdalaw sa kanya sa tahanan ng kanyang Tito.
"What the.. " hindi na magawang ituloy ng ama ang sasabihin. Halos marinig niya ang paghagulhol ng kanyang ina sa tabi ng kanyang ama.
"Cel.. cel!"
"Mom!"
Halos sabay na sigaw ng kanyang ama at ng kanyang kuya Blue. Mas lalo siyang kinabahan sa halos malayong tinig ng kanyang ama, mga kapatid at ilang katiwala.
"Give me the damn key!"
"Dad, common let's bring her to the hospital!"
"Hurry!"
Nanghihinang napasandal siya sa dingding sa salas. Lalo siyang nakaramdam ng panlulumo. Maagap naman siyang nilapitan ng nakakaunawang kaibigan.
****************
Dumaan ang ilang araw ngunit wala pa rin siyang balita tungkol sa kalagayan ng ina. Mahirap pa naman at nandito siya sa ibang bansa. Halos hindi siya matigil sa pag - iyak sa pag - aalala sa ina gayundin sa takot sa galit na inani mula sa ama.
"Kristel.." mula sa pinto ng silid ay sumungaw ang kanyang Tita Merthel. Mababakas sa mukha nito ang matinding simpatya sa kanya.
"May balita na po ba kayo sa kalagayan ni Mommy?" nagsusumamong tanong niya sa maybahay ng kanyang Tito.
Pumasok ito sa loob sa kanyang silid at isinarado ang pinto.
"She's recovering according to your Dad. And one more thing, we'll be sending you home. It's your Dads' decision."
Nagliwanag ang kanyang mukha sa narinig. Ibig sabihin ba nito, napatawad na siya ng kanyang ama? Hindi pa man ay excited na siyang umuwi ng Pilipinas. Mahigpit siyang niyakap ng kanyang Tita Merthel.
"Thanks Tita. I'm going to miss you."
Nakakaunawang hinagpos hagpos nito ang kanyang ulo. "We will miss you too Kris. Just give us a call when you get there."
Tumango naman siya bilang pagsang - ayon sa kanyang Tita Merthel.
**************
Mula sa airport hanggang sa kanilang tahanan ay abot - abot ang kabang nararamdaman ni Kristel. Naroroon din ang pananabik na makita ang ina. Halos hindi siya mapakali nang mga panahong nasa Masachusettes siya at nag - aalala sa kalagayan ng ina. Sa ngayon, hindi niya alam kung ano ang kanyang madaratnan sa kanilang tahanan. Excited na rin siyang mayakap ang mga magulang at mga kapatid.
Ngunit agad na napawi ang lahat nang iba ang bumungad sa kanyang harapan nang makarating sa Mansiyon.
Hindi makapaniwala si Kristel sa kanyang sinapit. Ganon na ba talaga kagalit ang kanyang ama sa kanya? Nang makarating sa kanilang tahanan mula sa Airport ay nadatnan niya ang ilang maleta ng kanyang mga damit at gamit. Halos alam na niya ang ibig sabihin niyon. Ngunit hindi siya susuko sa pag - amo sa kanyang ama. Kung kinakailangang lumuhod ay gagawin niya. Gusto din niyang makita ang ina. Gustong - gusto niyang yakapin ito.
"M-ma'am.." naluluhang lumapit sa kaniya si Marta. Kasambahay nila ito na mas matanda lamang sa kanya ng isang taon. "Binilin po ng inyong ama na tanging ang mga personal na gamit at ang sasakyan ninyo lang po ang madadala ninyo." Iniabot nito sa kanya ang susi ng kotse niya. Nabili niya ang nasabing sasakyan mula sa kita sa showbiz kaya marahil ipinahintulot ng kanyang ama na madala niya ito.
Itinatakwil siya ng kanyang ama! Nalilito at hindi maintindihan kung ano ang gagawin. Hilam sa luhang tinanggap niya ang susi ng kotse mula kay Marta.
"Puwede ko ba siyang makausap? Nasaan ba siya?"
Umiling - iling pa si Marta. "M-maam, ayaw niya po kayong makausap. Kabilin - bilinan po ng inyong ama na huwag kayong papasukin. S-sorry po Ma'am."
Maya - maya pa'y lumapit sa kanya ang dalawang bantay sa gate. Bagaman nagbigay - galang ang mga ito ay kababakasan ng simpatya at awa sa kanya ang mga mukha ng mga ito. Tinulungan siya ng mga itong mailagay sa compartment ng sasakyan ang kanyang mga gamit.
'Saan siya pupunta?' Pagod, puyat, gutom, sakit at pait. Hindi mawari ng pagal na katawan kung saan siya tutungo. Saan siya sisilong ngayong dinaig pa niya ang basang sisiw.
'Whereto?'
Hilam ang mata sa luhang nagsimula siyang magmaniobra ng sasakyan. She can't help but reminisce about the past. When was the last time her father gave her a hug? She couldn't recall.
Back when I was a child
Before life removed all the innocence
My father would lift me high
And dance with my mother and me
And then spin me around 'til I fell asleep
Then up the stairs he would carry me
And I knew for sure
I was loved
If I could get another chance
Another walk, another dance with him
I'd play a song that would never, ever end
How I'd love, love, love
To dance with my father again
When I and my mother would disagree
To get my way I would run from her to him
He'd make me laugh just to comfort me
Then finally make me do just what my mama said
If I could steal one final glance
One final step, one final dance with him
I'd play a song that would never, ever end
'Cause I'd love, love, love
To dance with my father again
UNWANTED. That's what she feels right now. Mula kay Hugh, kay Gunner.. and this time mula sa kanyang sariling pamilya.
*******************