Chapter 38 ** Inabot ko ang kamay ko kay dad habang nakatitig parin sa papalayong si Hades. May alam siya na alam ko? Siguro nga alam niya pero kahit ganun hindi niya naman kayang pigilan ang nararamdaman ko kay Uno. Bigla akong kinabahan. Parang tuluyan ng nasira ang gabi ko dahil sa sinabi ni Hades. Itanggi ko man pero pakiramdam ko ay halatang-halata na sa mukha ko ang pagkadismaya at lungkot sa mga nais iparating ni Hades sa mga salita niya. "You already broke him. Don't be disappointed with him." Tiningnan ko si dad at napakunot ang noo ko. What did he say? "Don't feel sad over someone who gave up on you, feel sorry for them because they gave up on someone who would have never given up on them." Wth? "What are you saying dad?" Nakakunot ang noo ko. Did he think na yun yung final

