Chapter 43 ** Third Person POV ** Nakatulala lang si Uno habang nakatingin sa labas. Nakaupo siya ngayon sa dulong bahagi ng kanilang silid habang nagsisimulang mag ingay ang mga kaklase niya. Ito ang unang araw ng klase nila at wala siyang ganang pumasok pero kailangan dahil may gusto siyang makita. "Dude, kanina pa namin nilibot ang school pero kahit anino ni Winter ay di na talaga namin makita." Pagod na salubong sa kanya ni Avo. "Andaming chix dude. Mga freshmen pa naman." Kumikinang ang matang sabi ni Seb at umupo sa tabi ni Avo. Hindi sila nilingon ni Uno at nanatili ang mata niya sa bintana. Nasa fourth floor sila ng building at nakatingin lang siya sa baba. May kung anong hinahanap ang kanyang mga mata na hindi niya talaga makita. Napabuntong hininga siya. Ilang araw na

